Louis Column

Trinatrabaho ng todo ng Philippine Sports Commission (PSC)  para masiguro lang na ang lahat  ng  sports equipment na kailangan para hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ay maideliber sa tamang oras.
 
Sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez kahapon na ang  task force na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at ng PSC ay nasa masusing konsultasyon kasama ang iba't ibang  national sports associations (NSAs) para paspasan ang proseso ng pagkuha ng mga kagamitang gagamitin sa biennial games. 

Tiwala ang Philippine Triathlon Team na mamentina ang Southeast Asian Games crown para sa ikatlong sunod na edisyon.

Ang SEA Games-bound Philippine National Triathletes ay nasa tamang landas ng kanilang paghahanda sa SEAG batay sa impresibong  resulta sa 2019 ASTC Acaba Triathlon Asian Cup sa Acaba, Jordan nung Biyernes.

Dalawang beses na nagsampa ng panalo  ni world class  Filipino pole vaulter Ernest John Obiena sa prestihiyosong torneo sa  Europa sa nakalipas na dalawang buwan, pero pang unfinished business na kailangang maisakatuparan sa Southeast Asia.

May liwanag para sa Philippine Handball.

Ito'y makaraang makipagpulong si Philippine Sports Commission Commissioner Charles Raymond Maxey  sa Ministry of Human Capacities ng Hungary nung nakalipas na linggo ng September para palakasin ang partnerships sa  memorandum of agreement na nilagdaan ng magkabilang panig noong Abril. 

Si Ernest John Obiena, ang unang  atletang Pinoy na nakapasok  para sa  2020 Tokyo Olympics,  ang siyang hinirang bilang  "Athlete of the Month" para sa buwan ng September ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Habang papalapit na ang kapanapanabik  na opening day sa paghu-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games sa November, ang asam na ma -replica ang top-spot finish noong 2005 ay nasa tuktok na ng preparasyon.

“ONE: CENTURY,” IHAHATID NG ABS-CBN SPORTS SA TV AT ONLINE

Hindi mahuhuli ang mga Pilipino sa pinakamalaking event ng ONE Championship na “ONE: Century” sa Tokyo, Japan ngayong Oktubre 13, dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang aksyon sa dalawang fight card nito sa TV at online.

Ang mga Filipino triathletes ay itinanghal na kampeon sa nakalipas na dalawang edisyon ng   Southeast Asian Games.

Wala silang intensiyon na bitawan ang trono, lalo na't ngayon ang Pilipinas ang host ng  11-nation sportsfest sa Nov.30-Dec.11.