Ang mga Filipino triathletes ay itinanghal na kampeon sa nakalipas na dalawang edisyon ng Southeast Asian Games.
Wala silang intensiyon na bitawan ang trono, lalo na't ngayon ang Pilipinas ang host ng 11-nation sportsfest sa Nov.30-Dec.11.
Ang Cebuano teenager na sina Andrew Kim Remolino at John Chicano ang kakatawan sa bansa sa men’s individual race habang sina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ang pambato sa local triathlon association sa women’s division.
``They had gone through several qualifying events. The best two performers in those series of qualifiers have been chosen to do the individual races,’’ sabi ni Triathlon Association of the Philippines president Tom Carrasco.
Naibulsa ng Pilipinas ang gold at silver medals pareho sa men’s and women’s individual races nung 2015 Singapore ant 2017 Kuala Lumpur editions.
Si Nikko Huelgas, na pinatigil ng injuries nitong kaagahan ng taon at hindi naidepensa ang kanyang titulo, ay back-to-back champion sa men’s habang si Claire Adorna ang nanalo sa women’s sa 2015 at Mangrobang, 2017.
Si Remolino, ang 19-year-old prized find buhat Talisay City, Cebu, ang nanguna sa lahat ng qualifying races para sa Filipino elite competitors sa swim-bike-run Olympic event.
``May pressure talaga dahil kailangan depensahan natin ang gintong medalya sa SEA Games. Ibibigay ko lahat ng aking makakaya,’’ bulalas ni Remolino, ang Young Hero awardee para sa triathlon sa katatapos na Siklab Youth Sports Awards 2019.
Hinablot ni Remolino ang silya sa men’s individual matapos tawirin ang finish line na una sa lahat ng Filipino elite racers kapwa sa 2019 Gyeongju ASTC Asian Triathlon Championships sa Korea dalawang buwan ang nakaraan at Subic Bay International Triathlon noong April.
Si Huelgas, gayunman, ay tatakbo sa will mixed team relay kabilang sina Fer Casares, Chicano, Adorna, Kilgroe at Mangrobang.
Sa duathlon, si Doy Comendador at Jarwyn Banatao ay sasabak sa men’s division habng sina Monica Torres at Jelsie Sabado ay target ang 1-2 finish sa women’s individual race.
Magsasanib puwersa sina Comendador at Torres kasama sina Pawee Fornea, Joey Delos Reyes, Ephraim Inigo at Sabado sa mixed team relay.(Louis Pangilinan)