Quizon, Maribao nanguna sa Cavite para talunin ang Toledo sa PCAP chess tilt

Quizon, Maribao nanguna sa Cavite para talunin ang Toledo sa PCAP chess tilt

Quizon, Maribao nanguna sa Cavite para talunin ang Toledo sa PCAP chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Nagsanib puwersa sina Grandmaster elect at International Master Daniel Quizon at Alexis Emil Maribao para ihatid ang Dasma Cavite Spartans sa 12.5-8.5 na panalo laban sa pag renda ni IM Kim Steven Yap sa Toledo-Xignex Trojans sa sagupaan ng league titans sa PCAP All- Kumperensyang Pilipino Miyerkules ng gabi, Abril 24.


Tinalo ni Quizon, ang reigning National Open champion, sina Allan Pason sa blitz at International Master Joel Pimentel sa rapid habang angat si Maribao kay Bonn Rainauld Tibod sa kanilang blitz showdown at Pason sa rapid encounter para umakyat ang Spartans sa solong pangalawang puwesto na may 14-2 win-loss records sa Northern Division.


“I am happy with my performance tonight,” sabi ni Quizon, na kailangang itaas ang kanyang 2460 Elo Standard rating sa 2500 para makumpleto ang kanyang GM title status.
“Napakahusay na naglaro sina IM Daniel Quizon at Alexis Emil Maribao at nanalo sa laban,” sambit ni coach Benjie Bercadez.


Naghatid din para sa Cavite ng importanteng resulta sina International Master Michael Concio Jr., Kevin Arquero, Grandmaster Rogelio ``Joey" Antonio Jr., Woman International Master Kylen Joy Mordido at FIDE Master Roel Abelgas.
Panalo si Concio kay Yap sa blitz, tinalo ni Arquero si Chin Lim sa blitz, tabla si Antonio sa blitz at panalo naman sa rapid kontra kay International Master Rico Mascarinas, hinati ni Mordido ang mga puntos kay Woman Fide Master Cherry Ann Mejia sa blitz, at si Abelgas ay tabla kay Tibod sa rapid.


Tinalo ng Dasma Cavite Spartans ang Toledo-Xignex Trojans sa blitz portion, 4.5-2.5, gayundin sa rapid format, 8-6.
Nauna rito, winasak ng Dasma Cavite Spartans ang Tacloban Vikings, 20.5-0.5.
Samantala, iniligtas ni Prince Richvil Mella ang Tacloban para sa posibleng shut-out loss matapos makatabla ka kay Abelgas sa blitz competition.
Dinaig naman ng San Juan Predators ang Negros, 17-4, at Tacloban Vikings, 19-2, para manatili sa tuktok ng liderato sa Northern Division na may 15-1 slate.
Nakisalo naman ang Toledo sa una hanggang ikalawang puwesto sa Camarines Soaring Eagles sa Southern Conference na may 12-4 marka.
Ang PCAP, ang una at tanging play-for-pay na liga sa bansa, ay pinamumunuan nina President-Commissioner Atty. Paul Elauria, Chairman Michael Angelo Chua at Treasurer Atty. Arnel Batungbakal.-Marlon Bernardino-