Louis Column

  • PBA
Sinandalan ng TnT Katropa ang malaking ratsada sa ikatlong kanto para kabigin ang Game 3 at iiskor ang  101-97 panalo kontra Meralco at isang hakbang na lang na abutin ang kampeonato sa PBA Governors Cup Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

  • PBA
Ginapas ng Barangay Ginebra ang kanilang pagka-agresibo para tibagin ang 113-88 panalo sa Game Two at pagrolyo ng 132-105 victory para igapos ang 2-1  lead kontra NorthPort sa PBA Governors Cup best-of-five semifinal showdown Miyerkoles sa  Smart Araneta Coliseum. Swabe sa puntusan ang Batang Pier ngunit higit na asintado ang Gin Kings tungo sa pagdikta ng laro matapos ang kanilang   90-124 kabiguan sa pagsisimula ng serye. 

May malaking misyon si KJ McDaniels para sa KaTropa at hindi nya 'to binigo. 
 
Iniatang ng dating Houston Rocket sa kanyang balikat ang TNT para igapos ang 103-94 panalo laban sa  Meralco Linggo sa simula ng kanilang PBA Governors Cup quarterfinals serye sa Big Dome. 

  • PBA
 
Nagsilbing Mr. Ironmen sina Christian Standhardinger, Michael Qualls at Sean Anthony para sa NorthPort, na pawang lumaro ng ekstra oras at itumba ng Batang Pier ang NLEX Road Warriors sa matigtig na triple-overtime do-or-die actions para makausad sa PBA semifinals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. 
 
Si Standhardinger, Qualls at  Anthony ay pawang may bultong iskor para dalhin ang NorthPort sa kanilang balikat matapos maisahan ang Road Warriors, 126-123, na nagmistulang wala nang puknat na bakbakan. 

  • SEAG

ABS-CBN Sports, ihahatid ang aksyon sa volleyball at football sa TV at online

Eksklusibong mapapanood sa ABS-CBN ang 2019 SEA Games opening ceremonies ng LIVE mula sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30 (Sabado) simula 6:50 pm, habang may livestreaming din sa iWant at replay sa S+A ng 10 pm.