QC bikers oks sa suspensyon ng 'bike helmet' policy

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

    ni Marlon BernardinoWinalis ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang...

    Tyson Fury and Oleksandr Usyk Make Grand Arrivals ahead of Saturday's UNDISPUTED SHOWDOWN

    Heavyweight history will be made soon in The Kingdom. WBC/Lineal champion Tyson Fury (34-0-1, 24 KOs) and...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE NAMES MICHAEL CHIODITTI SVP, NEW BUSINESS

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...

    QC bikers oks sa suspensyon ng 'bike helmet' policy

    TIMOG , QC  – Ayos lang sa mga siklista ng Kyusi ang pagsuspendi ng lokal na pamahalaan ng siyudad  sa ordinansang kailangang magsuot ng helmet o kung hindi ay papatawan ng multa.

     

    Sa halip ani Mayor Joy Belmonte ay prayoridad nila ang pamamahagi ng libreng helmets.

     

    “Salamat po sa pag unawa, hindi nman po ksi lahat nbibigyan ng helmet at hirap din po nkabili yung iba dahil sakto lang ang kinikita para sa pamilya," ani Antonio Castro sa kanyang post sa  QC government Facebook page.

     

    Sa post ng QC government noong Huwebes,  una nilang ipaprayoridad ang paghahatag ng libreng  bicycle helmets sa mga biker sa siyudad bago pinal nilang ipatupad ang ordinansa.

     

    Ang Ordinance No. SP-2942 ay nagmamando sa mga bicycle rider na bumabagtas sa  QC na gumamit ng safety headgear.

     

    “Ipinagpaliban ng Quezon City Government ang pagmumulta sa mga bikers na walang helmet sa lungsod mula October 15. Patuloy munang mamimigay ang QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ng libreng bike helmets sa ating QCitizens. Ang pagpataw ng multa ay magsisimula sa October 31," sa post ng pamahalaang lungsod.

     

    Bahagi ito, ani Belmonte ng siyudad sa pag-asiste ng pamahalaan sa mga walang kakayahang makabili ang mga sarili ng kanilang helmet.

     

    Dagdag pa niya, ang ekstrang dalawang linggong  palugit ay makapagbibigay ng pagkakataon sa mga rider na sumunod sa ordinansa.

     

    “Salamat sa pagtatama. Pero sana bawasan o walain yung penalty. Ang lubos kc na tatamaan ay ang ordinaryong manggagawa na siyang bumubuhay ng lugmok na ekonomiya, " sabi ni Hua Qin sa kanyang post.

     

    Inisyal na namahagi ang DPOS ng 3,500 free safety helmets sa mga siklista.

     

    Ani DPOS head Elmo San Diego ang tanggapan ay muling nakapagkaloob ng 200 free helmets noong Huwebes. Ang distribusyon ay magpapatuloy sa  susunod na mga araw.

     

    Sinabi ni San Diego na sa halip magpataw ng multa, ang DPOS ay mag-iisyu lang ng babala at magsagawa na  muna ng pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa ordinansa.(LP/PNA)