Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
ni Marlon Bernardino
Winalis ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang lahat ng kanyang mga nakatungali para maka iskor ng perfect 7.0 puntos para maghari sa katatapos lang na Sicilian Prodigy 1st Edition FIDE-rated Rapid Open Chess Tournament na ginanap noong Linggo, Mayo 12 sa Robinsons Metro East sa Pasig City.

Binuksan ni Dableo, head coach ng multi-titled University of Santo Tomas chess team at miyembro ng star-studded Philippine Army chess team ang kanyang kampanya sa panalo kay Jan Carlsen Matencio pagkatapos ay sinundan ito ng mga tagumpay laban kina Patrick Bonifacio, AFM Ritchie James Abeleda, WNM Lexie Grace Hernandez, Kevin Arquero, Luffe Magdalaga at NM Ivan Travis Cu.
Ang kanyang pagtakbo ay isang testamento ng kanyang kahusayan sa English Opening.

Ibinulsa ni Dableo ang P10,000 cash prize at isang magandang tropeo sa kagandahang-loob ng host na sina AGM Reu Gabriel Sebolino at IM Jan Emmanuel Garcia sa mahigpit na pakikipagtulungan kay National Arbiter Ranier Pascual ng Kaizen Knights Concepcion Dos Chess Club at Robinsons Malls.

"I am happy to have won the Sicilian Prodigy 1st Edition FIDE-rated Rapid Open Chess Tournament. I wish that my luck will remain the same in my next tournament," sab ng 45-year-old Dableo na suportado ang kanyang kampanya ng Philippine Army at ng University of Santo Tomas.
 
Ang dating 3.2 Vungtau, Vietnam Asian Zonal champion na si Dableo, na ang kasalukuyang FIDE rating ay 2364, ay kailangang maabot ang 2500-rating na talampas upang pumasok sa elite GM club ng bansa na kinabibilangan ng unang GM ng Asia na sina Eugene Torre, Wesley So at Mark Paragua.

Sina Magdalaga, Arquero at Jerry Areque ay tumapos sa likod ni Dableo na may magkaparehong 6.0 puntos, habang sina Hernandez, IM Paulo Bersamina at Sherwin Tiu ay may tig-5.5 puntos.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawan ang Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo (ika-3 mula kaliwa) na tumatanggap ng kanyang P10,000 cash prize at isang magandang tropeo sa kagandahang-loob ng host na sina AGM Reu Gabriel Sebolino (ika-2 mula kaliwa), at IM Jan Emmanuel Garcia (ika-4 mula sa kaliwa). Gayundin sa larawan si National Arbiter Ranier Pascual ng Kaizen Knights Concepcion Dos Chess Club.