Kidlat na aksyon sa LSIs: Duterte bilib sa kanyang gabinete 

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

    ni Marlon BernardinoWinalis ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang...

    Tyson Fury and Oleksandr Usyk Make Grand Arrivals ahead of Saturday's UNDISPUTED SHOWDOWN

    Heavyweight history will be made soon in The Kingdom. WBC/Lineal champion Tyson Fury (34-0-1, 24 KOs) and...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE NAMES MICHAEL CHIODITTI SVP, NEW BUSINESS

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...

    Kidlat na aksyon sa LSIs: Duterte bilib sa kanyang gabinete 

    MANILA – Abot ang pasasalamat ni President Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng kanyang Gabinete dahil sa agarang aksyon para tulungan ang mga nabalahong  locally stranded individuals (LSIs) at ihatid sila sa kani-kanilang probinsya.
     
    “I'd like to thank everybody sa itong ating gobyerno (in our government) -- that's really the Cabinet members working for the prompt response that you undertook to alleviate the plight of the stranded Filipinos. And nakakaawa talaga (They are really pitiful) and it took you just about two days to solve the problem,” sambit ni Duterte sa isinagawang televised meeting sa ilang  Cabinet members na isinahimpapawid madaling araw ng Miyerkoles. 
     
    Partikular na pinuri niya si  Transport Secretary Arthur Tugade para sa kanyang mabilis na aksyon sa paghatag ng tamang transportasyon para sa  LSIs.
     
    “Alam mo, iyan lang ang maibigay natin sa tao, iyong hindi masyado mahirapan ang mamamayan, and whenever there is a problem, we try to solve it as fast as it can ever be done,” sabi ni Duterte.
     
    Nauna nang tiniyak ni Tugade na ang mga waiting passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pinangangalagaan at binibigyan ng regular food supply sa panahon ng kanilang pamamalagi.
     
    Ito'y matapos na nag-atas ang Pangulo na bigyan ng marami pang mauupuan ang mga waiting passenger dahil sa may mga kasama silang menor de edad at mga buntis na wala ng mauupuan. 
     
    Ani Duterte magdamag siyang hindi nakatulog habang ang mga pasaherong stranded ay pawang nakatayo para maghintay sa kanilang mga biyahe. 
     
    Sinabi naman ni  Interior Secretary Eduardo Año sa Presidente na sa pulong nila nitong, Martes na sa loob nitpng linggo higit sa  4,000 LSIs na ang natulungan sa pamamagitan ng Hatid Tulong program ng pamahalaan. 
     
    Sinabi pa ni Año na noong Lunes at Martes ay higit sa 5,000 LSIs na ang nakarating sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng barko o eroplano.(LP/PNA)