The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...
Latest News
GAB chair Baham Mitra, Atayde sa TOPS' Usapang Sports
MANILA - Hihimayin ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Baham Mitra ang mga plano sa ahensiya sa gitna ng pandemya sa ikalawang paglarga ng TOPS Usapang Sports via zoom.
Gayundin babalitaan tayo ng mga kaganapan sa larangan ng football sa bansa sa pamamagitan ni Youth Football League president Mike Atayde.
Ihahayag ng dating congressman/Palawan Gov. na si Mitra ang mga progreso ng kanilang pagsumite sa tinatawag na "new normal " protocols sa mga pag-eensayo sa tatlong sports at iba pa sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Matutunghayan ang live streaming sa Sports On Air sa facebook at Youtube na pinapaandar ng mga malalaking tabloid organization editors sa bansa na People's Tonight, Balita, Abante, Remate, Police Files Tonite, Bulgar, Hataw, Pilipino Mirror, Pilipino Star Ngayon, PM, Saksi at Sportsmanila.net.
Magsisimula ang balitaktakan alas diyes ng umaga sa pamumuno ni TOPS President Ed Andaya. (Louis Pangilinan)
Pormal nang nanumpa si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson sa kanyang tungkulin bilang UNP Federated Alumni Association President, nitong November 17, 2022, sa Commission On Higher Education (CHED) Central Office, Diliman, Quezon City. Sa katunayan, itong milestone ng ating 'busy governor' ay isang ebidensya na siya'y isinilang na may puso't malasakit para sa ating mga kababayan sa probinsya.