Umabot na sa 72 ang COVID-19 positive sa Laguna, Mambabatas nais palawigin ang Luzon LOCKDOWN

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

    ni Marlon BernardinoWinalis ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang...

    Tyson Fury and Oleksandr Usyk Make Grand Arrivals ahead of Saturday's UNDISPUTED SHOWDOWN

    Heavyweight history will be made soon in The Kingdom. WBC/Lineal champion Tyson Fury (34-0-1, 24 KOs) and...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE NAMES MICHAEL CHIODITTI SVP, NEW BUSINESS

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...

    Umabot na sa 72 ang COVID-19 positive sa Laguna, Mambabatas nais palawigin ang Luzon LOCKDOWN

    MANILA -Hinimok ng isang kongresista nitong Miyerkoles ang pamahalaan na palawigin pa ang  month-long lockdown sa  Metro Manila at Luzon, tahanan ng may kalahati sa kabuuang higit 100 milyong katao ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus pandemic.

     

    Ang pagbuwag ng  quarantine sa April 12,  sa inisyal na plano, ay magiging ugat ng paglobo ng  virus sa  urban centers, sabi ni  ­Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice.

    “I have been to more than a hundred villages in my city the past 2 weeks and I am afraid that if COVID-19 reach[es] these areas, all hell will break loose,” aniya.

    Hinimok ng mambabatas ang lokal na pamahalaan na maglaan ng pondo para sa community development at special activities  sa pag-iimbak ng pagkain at  medical supplies.

    “These are the least we can do to protect our citizenry as we are at war against a very invisible powerful enemy,” aniya.

    Ang  technical working group sa pangunguna ng  Department of Health ang magsasagawa ng rekomendasyon para sa posibleng pagtanggal o ekstensyon ng  month-long Luzon lockdown, naunang sinabi ni  Cabinet Secretary Karlo Nograles.

    Umabot na sa 72 ang COVID-19 positive patients sa Laguna. Sa datos ng Laguna Provincial Health Office bandang 8:00, Sabado ng umaga (April 4), nasa 72 ang tinamaan ng virus sa lalawigan.

    Pinakamataas na naitalang kaso sa bayan ng Sta. Rosa na may 16 cases.

    Narito naman ang napaulat na kaso sa mga sumusunod na lugar:
    – San Pedro – 13
    – Biñan – 10
    – Calamba – 10
    – Los Baños – 5
    – Cabuyao – 3
    – Majayjay – 2
    – Pila – 2
    – San Pablo – 2
    – Sta. Cruz – 2
    – Alaminos – 1
    – Bay – 1
    – Calauan – 1
    – Lumban – 1
    – Nagcarlan – 1
    – Victoria – 1

     

    Samantala, 832 ang naitalang persons under investigation (PUIs).

    5,644 naman ang ongoing persons under monitoring (PUMs) habang 7,677 ang cleared na.

    Nasa 13 ang gumaling na o nakarekober sa COVID-19 sa Laguna at pito naman ang pumanaw. Source : ABSCBN