Laguna Heroes panalo sa kanilang last elimination match sa 2022 PCAP tourney
Naipanalo ng Laguna Heroes ang kanilang last elimination match kontra sa Quezon City Simba's Tribe, 12-9, at patungo sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) playoffs bilang no. 4 seed sa Northern division virtually na isinagawa sa Chess.com Platform Miyerkoles ng gabi.
Sariwa pa sa back-to-back na panalo nitong Sabadong gabi sa Isabela, 19-2, at Rizal, 12-9, kung saan tuloy ang pananalasa ng Heroes matapos makaungos sa Simba's Tribe.