LAHAT nakatutok kina Kaboom at Cupid Bell na nag deklara ng paglahok sa napipintong 2022 Philracom Hopeful Stakes race na iiinog sa Hulyo 24 sa sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Tampok ang anim na tigasing kabayo at nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta na may distansyang 2,000 metro ang nasabing event na lalahukan .
Seselyuhan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Kaboom, habang si class A rider Kelvin Abobo ang magtatrangko kay Cupid Song.
Makakasukatan ng bilis nina Kaboom at Cupid Song sina Bocaue Rivertown, Eazacky, Pharaoh’s Fairy at Portsalt.
Makakamit ng owner ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P337,500 habang P187,500 at P75,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, illarga rin sa nasabing petsa ng karera ang 3rd Leg Triple Crown, suportado ito ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairmaan Reli De Leon.