AIBA C'ships: Marcial usad sa semis, Paalam goodbye!

AIBA C'ships: Marcial usad sa semis, Paalam goodbye!

Nakaarangkada si Filipino national boxer Eumir Felix Marcial sa quarterfinal round ng AIBA Elite Men's World Boxing Championships , Huwebes sa Ekaterinburg, Russia.

Ang middleweight (75 kg) Airman mula Zamboanga City ay naitala ang unanimous decision kontra Iran's Seyedshahin Mousavi kung saan lahat ng 5 hurado ay umiskor ng 30-27 cards, at inihatag ang lahat ng tatlong rounds kay Marcial.

Hindi naman naging mapalad si Flyweight Carlo Paalam matapos mabigo ng dikit na split decision kay 2018 Asian Games gold medalist Amit ng India.

Nitong weekend, nalaglag si featherweight Ian Clark Bautista sa eliminations sa kanyang ikalawang laban (a split decision vs. Argentina's Mirko Cuello), habang nagpapagaling sa sakit na lagnat.

Tanging 25 mga bansa sa orihinal na 78 boxers ang nakatuntong sa quarterfinal round.

May tig-7 boksingero ang host Russia at Kazakhstan, ang Cuba at England ay tig-6 habang ang Uzbekistan ay lima.

Kasama ng Philippines ang USA, Azerbaijan, Brazil at iba pa na may 2 boxers sa quarters.

Wala nang iba pang South East Asian country ang nakapasok sa sumunod na round.

Sorpresa rin na ang Asian powerhouse China ay nabigong mag-qualify maging sa quarterfinals. Ang Japan at Mongolia ay kapwa may tig-isa, dalawang Korea ay wala.

Makakasagupa ni Marcial si Kazakhstan's Tursynbay Kulahkmet, na seeded 3rd sa torneo. (Louis Pangilinan