Tabloid

 

LAS PINAS CITY - INIULAT ng The Department of Health (DOH)  Ngayon  (Miyerkules, Abril 08) na may panibagong 415  coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive casessa Pilipinas.

Ang naturang bilang ng nagpositibo ay umabot na sa kabuuang 3,764 buhat sa 3,660 cases noong Linggo (Abril 05).

  • TOPS
 
 
HINDI  matatawaran ang galing ng Pinoy kahit na sa mapanganib na sports gaya ng motocross.
      Ang magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes ang magandang halimbawa.
      Bagamat kapwa bata pa, patuloy na gumagawa ng pangalan ang magkapatid sa kanilang kampanya sa motocross, na kung saan ilang ulit na din silang nanalo.
      "Exciting talaga ang motocross kaya gusto namin itong mag-kapatid," pahayag ng nakatatandang si Quiana sa 46th edisyon ng TOPS "Usapang Sports" sa National Press Club kahapon ng umaga.
       "Gusto ko ding tularan yun iba pang magagaling na female riders, gaya nina Pua Gabriel at Jasmine Jao,' sabi pa ng 15-taong-gulang na estudyante ng St. Paul's College-Bulacan.
      Gayunman,  prioridad pa din ng magkapatid ang kanilang pag-aaral bilang pag-sunod na din sa payo ng kanilang mga magulang.
      'Pag weekdays, kailangan puro aral pa din. Pag weekend,  motocross naman," pahayag ni Wenson, na mahusay na sa 85cc division kahit pa 13 taon gulang pa lamang.
     "Tuloy tuloy ang ensayo namin para maabot ang pangarap," saad pa ng magkapatid,  na sinamahan sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission,  National Press Club, Community Basketball Association at HG Guyabano Drinks ng kanilang mga magulang.
      Ang magkapatid na Reyes ay nakatakdang lumahok bilang pambato ng bansa sa darating na NAMSSA National Motocross Championship sa Speedworld Motocross Circuit sa SM Bicutan sa Nov. 10.
      Sasabak din sila sa FIM Asia Supercross Championship sa Nov. 24 sa parehong lugar.PR

STUTTGART –  With his ticket to the 2020 Tokyo Olympic Games assured, Carlos Edriel Yulo will gun for gold in the floor exercise  at the start of the  apparatus finals on Saturday of the 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships at the at the Hans Martin Schleyer Halle.

TIWALA si multi-titled coach Ato Tolentino na maibabalik niya ang sigla sa basketball ng Wang’s Ballclub sa darating na PBA D-League at iba pang mga liga.
 
Ito ay matapos kumpirmahin ni Tolentino, kilala din sa bansag na  “Mr. Hotshot” nun naglalaro pa siya sa PBA, na magbabalik siya bilang head coach ng Wang’s Ballclub.

May sapat ng armas ang  Philippine swimming team para tapusin ang dekadang pagka-uhaw ng bansa sa gold medal pagsapit ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ang mga Filipino tanker na binitbit ang bandila ng Pinas sa katatapos na  Fina World Championships, na sina Nicole Oliva, Luke Gebbie, Remedy Rule at James Deiparine ang mangunguna sa 27-man national squad para wakasan ang tagtuyot.

Nakaarangkada si Filipino national boxer Eumir Felix Marcial sa quarterfinal round ng AIBA Elite Men's World Boxing Championships , Huwebes sa Ekaterinburg, Russia.

Ang middleweight (75 kg) Airman mula Zamboanga City ay naitala ang unanimous decision kontra Iran's Seyedshahin Mousavi kung saan lahat ng 5 hurado ay umiskor ng 30-27 cards, at inihatag ang lahat ng tatlong rounds kay Marcial.

Naitono ng UAAP Season 81 runner-up University of the Philippines ang kanilang kampanya para sa korona nang kanilang dominahin ang University of the East sa Season 82 opener, 5-0, Miyerkoles ng umaga sa Centro Atletico Badminton Center sa Kyusi.

Page 1 of 2