Lanada nagkampeon sa Antipolo chess tourney
Ni Marlon Bernardino
ANTIPOLO CITY---Si Steven Lanada, isang Bachelor of Science in Physical Education graduate student ng Rizal Technological University, ay winalis ang kanyang mga assignment at nakakuha ng 7.0 points para pamunuan ang katatapos lang na 1st Barangay Dela Paz chess tournament na ginanap sa Barangay Dela Paz covered court sa Antipolo City noong Linggo, Agosto 20.