by Marlon Bernardino
MANILA---Isang promising twenty-year-old chess player mula Malabuyoc, Cebu ay nakatakdang lumipad sa Malaysia para katawanin ang Pilipinas sa tinampukang 3rd Mini Penang Chess Open 2023 na iinog sa Abril 24 hanggang 28 na gaganapin sa Methodist Boys School ACS Union sa Penang, Malaysia.
Si Marian Calimbo, 20 years old, isa sa top player's ng PCAP's Cebu Niños (dating Cebu Machers) ay kumpiyansa na mapapaganda niya ang kanyang chess ranking. Nais niya ding makapagdala ng karangalan sa kanyang hometown Cebu at sa Pilipinas.
"I hope that I will finish with a positive score in this event (Penang, Malaysia) and gain some (Elo) rating points," sabi ni Calimbo na ipinagmamalaki ng ‘Richessmasters’ (RCM), isa sa most active chess association sa South.
Ang iba pang notable players mula Philippines na lalahok ay sina IM Ronald Bancod, FM Nelson Villanueva, FM Christopher Castellano, FM Robert Suelo Jr., NM Jose Aquino Jr., NM Ariel Potot, NM Almario Marlon Bernardino Jr., Mohamad Sacar, Kimuel Aaron Lorenzo, Paul John Lauron at Elvis Longjas.
Ipapatupad ang 9 Round Swiss System na may time control 90 minutes plus 30 seconds increment.
Ang 5-day FIDE rated event ay inorganisa ng Penang Chess Association sa magiting na pamumuno ni president See Swee Sie na nakataya ang 2,500 Malaysian Ringgit sa magkakampeon. -Marlon Bernardino-