Philippine Golf Tour  mala-NBA ang porma

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    DLSU, UST seek 'double'; HS 3x3 now a regular sport

    The UAAP 3x3 Basketball Tournament will be back playing inside a mall. Ayala Malls Manila Bay's...

    NM Jasper Faeldonia nagkampeon sa IIEE chess tournament

    ni Marlon BernardinoManila---Kinumpirma ni National Master (NM) Jasper Faeldonia ng Maynila ang...

    Erik Bazinyan-Shakeel Phinn Super Middleweight Battle to Stream LIVE & Exclusively in the U.S. on ESPN+

    Undefeated super middleweight contender Erik Bazinyanreturns in the 10-round main event against Shakeel...

    Philippine Golf Tour  mala-NBA ang porma

    Planong ng  Philippine Golf Tour na mag-organisa ng gaya ng  isang “Bubble Type” tournament sa taong 2021 sa iba’t ibang lugar sa Luzon na hangad na maipagpatuloy ang paglalaro na nakadisenyo sa health and safety standards at protocols ng pamahalaan.
     
    Ayon kay Games and Amusement Board consultant sa larong Golf na si Oliver Gan sa TOPS, Usapang Sports On Air,  nagpalabas ng mungkahi ang Philippine Golf group na magkaroon ng mala-NBA type na klase ng torneo na ilalagay sa isang Hotel. Dito mananatili ang mga golfer na dadaan sa masusing Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test or swab testing at iba pang mga health at safety standards na inilatag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health.
     
    Sinabi rin ng dating Philippine Sports Commission (PSC) sports coordinator na susunduin ang mga ito ng pribadong transportasyon para ihatid sa mga designated golf courses, kung saan napipisil na pagganapan nito ang Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas, Beverley Place Golf Club sa Mexico, Pampanga at iba pang mga golf courses, partikular sa mga lugar lang Luzon.
     
     Aabot umano sa 80 pro-golfers sa buong bansa ang lalahok sa anim na iba’t ibang torneo, kung saan nakikinita ng mga organidador na magiging magastos ang naturang palaro para sa mga nais lumahok dahil maaaring umabot sa P20,000.00 kada buwan ang gugugulin ng isang pro-golfer.  
     
    “This are all under their proposal, pero lahat ng ito ay pinag-aaralan dahil sa magiging malaki ang gastusin ng ating mga pro-golfers, lalo na kung hindi maganda ang laro ng isang player tapos mag-risk siya magbayad ng P20,000 ay talagang mabigat,” wika ni Gan, na sinabing maglalaan ng halaga ang mga manlalaro sa pambayad sa kanilang Hotel at akomodasyon, transportation, swab testing at iba pang safety protocols na kanilang ilalatag para sa kaligtasan ng lahat ng manlalaro sa banta ng pandemya.(LP/TOPS)