Sinimulan ni Filipino karateka James de Los Santos ang kanyang kampanya sa 2021 sa pagbihag ng gold medal, matapos dominahin ang unang edisyon ng SportData eTournament World Series para sa naturang taon.
Patuloy ang pamamayagpag ng world no.1 e-kata karateka mula sa kanyang naiwan noong nakaraamg Pasko, sa pagdaig kay Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa final, 25.3-24.5.
Si De los Santos, na nilaktawan ang unang round, ay unang tinalo si Nicolas Perea ng France sa Round of 16, 24.9-23.
Sumunod na pinagpag si Cornelius Johnsen ng Norway, 24.5-23.1, sa quarterfinals, at Germany-based Thai Nawapon Pattanasakoo, 24.6-23.8, sa semifinals.
"There will be more tournaments ahead, and this is a great motivator to start with!" wika ni de Los Santos matapos makumpirma ang resulta noong Sabado.(Louis Pangilinan)