Pormal na bubuksan ng pamahalaang Lungsod Quezon sa Biyernes ang kanilang “Bahay Kanlungan”, isang pansamantalang tirahan o tuluyan ng mga kababaihan at kabataan na naging biktima ng pang - aabuso at karahasan.
Ang tirahan ay may kapasidad na 60 kama, palaruan at activity area.
Ngunit higit sa istruktura, yaong mga nanunuluyan na sa Bahay Kanlungan ay bibigyan ng sikolohikal na kalinga, maaring kausapin ng mga social worker, pulisya, abogado, sakaling nais nilang magsampa ng reklamo laban sa kanilang perpetrators.
Amg mga inabusong biktima ay puwedeng manatili sa shelter sa loob ng 12 linggo habang sumasailalim sa iba't ibang proseso.
Bago bumalik sa kani-kanilang komunidad, ang biktima ay sasailalim din sa pangkabuhayang programa.
“So far, based on our discussion, 12 weeks is the maximum that they could be accommodated and there will be programs there, for counseling, for therapy, but most especially for livelihood so that if they feel that they can no longer withstand the oppressive environment in which they live in with their spouses or partners, they can now have the opportunity towards economic empowerment, we will help them,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte .
Bilang nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan, aniya gusto niya ang komprehensibong programa sa sandaling ang biktima ay inabuso hanggang sa siya'y na-rehabilitate na at puwede nang bumalik sa lipunan. LP