PBA

PBA

PBA

Masigabong naibalik ng TNT ang trono ng karangalan na sinaniban ng magiting na pag-alagwa kaakibat ang kanilang 10-1 arangkada sa elims round.

Epikong nakumpleto ni Mikey Williams ang kanyang sariling kuwento bilang super rookie para pamunuan ang Tropang Giga sa paghugot ng prestihiyosong Emilio "Jun" Bernardino Trophy.
Sa bandang huli, hinatagan ang Fil-Am spitfire ng Honda Finals MVP plum.

Read more ...
PBA

Nagpamalas si Troy Rosario nang walang patumanggang tapang mula sa kanyang nakakakabang pagbagsak at humugot ng ibayong inspirasyon ang TNT buhat sa kanilang talo sa Game 3, at gibain ang Magnolia, 106-89, Miyerkules ng gabi, isa na lang para masungkit ang korona ng PBA Philippine Cup.

Wala sa gaanong 'wisyo sa paglalaro si Rosario pero may mangas sa kabila nang nadislokang kalingkingan kung saan swabeng naglaro ang Tropang Giga tungo sa pagtuldok ng pivotal 3-1 lead sa best-of-seven series.

Read more ...
PBA

Ipinamalas ng Magnolia ang tibay ng puso at nakihamok para sa kontensiyon sa PBA Philippine Cup Finals sa pagtuldok ng 106-98 panalo sa Game 3 Linggo sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nabugbog ng todo sa unang dalawang laban, malalim na humukay ang Hotshots at kenalembang ang kailangang enerhiya, intensidad at hangad na pigilan ang Tropang Giga buhat sa pagpanday ng 3-0 lead sa best-of-seven series.

Read more ...
PBA

Pinagtibay ng TNT Tropang Giga ang pagkontrol sa PBA Philippine Cup best-of-seven titular series sa pagtibag ng 2-0 lead matapos ang 105-93 pagkaldag sa Magnolia Hotshots, Biyernes ng gabi sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pinalobo ng Tropang Giga ang 21-point lead sa bisa ng umuusok na three-point shooting sa unang bahagi at binasag ang huling yugtong pagragasa ng Magnolia para dugtungan ang kanilang 88-70 kasawian sa series opener, Miyerkules.

Read more ...
PBA

Hinugot ng TNT ang buenamanong pasada sa PBA Philippine Cup Finals sa isang lopsided na ratsada na inumpisahan sa 20-2 bomba at masustena ang momentum diretso sa 88-70 panalo kontra sa nasoprpresang Magnolia, Miyerkules ng gabi sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Read more ...