Tropa pinulbos ang Beermen, sabak sa titulo vs Hotshots

Tropa pinulbos ang Beermen, sabak sa titulo vs Hotshots

Tropa pinulbos ang Beermen, sabak sa titulo vs Hotshots
PBA

Tropa pinulbos ang Beermen, sabak sa titulo vs Hotshots

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inilimbag ng TNT na makabiyahe sa PBA Philippine Cup Finals at palawigin ang pagkatuyot ng dating all-Filipino five-peat champ San Miguel Beer sa pamamagitan ng 97-79 pagrampa sa kanilang do-or-die duel Linggo sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pinangunahan nina RR Pogoy at Mikey Williams ang puwersa ng TNT sa kanilang knockout fight sa pinagsamang 47 points kung saan bomomba ang Tropang Giga para hiyain ang Beermen at karapatang makapaglaro kontra Magnolia Hotshots sa best-of-seven finals.

Para kay TNT coach Chot Reyes, ito'y patungkol sa mga player na benta ang ideya na maging kapanapanabik at pigilang makapaglaro si June Mar Fajardo at ang Beermen sa deciding Game Seven.

"They bought it, and they came out with a great resolve. That's the most important thing that happened," sambit ni Reyes.

"We're fortunate to be back in the finals," ani pa Reyes, na pinuri ang tropa sa kanilang 'wisyong ratsada na ipinakita para igupo ang lakas ng Beermen at ibaldosa ang kanilang kampanya sa korona na kanilang iginapos mula 2014 hanggang 2019.

 

"We're motivated," hayag ni Pogoy, ang pinaka-sakalam na bayani ng TNT sa decider sa kanyang 27-point game na mayroon ding dalawang rebounds at dalawang assists.

"Sa five years ko sa PBA, lagi kaming talo sa San Miguel sa playoffs. So motivation ko na manalo namin kami," ani pa Pogoy(LP/PBA).

Iskor:
TNT 97 - Pogoy 27, M. Williams 20, Rosario 12, K. Williams 11, Erram 9, Reyes 7, Castro 6, Heruela 3, Khobuntin 2, Exciminiano 0, Montalbo 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

SMB 79 - Fajardo 22, Ross 15, Perez 11, Romeo 9, Santos 9, Pessumal 8, Cabagnot 3, Tautuaa 2, Zamar 0, Lassiter 0, Gotladera 0, Coboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

Quarters: 15-23, 45-36, 67-55, 97-79.

 

(Photo Courtesy by:Pba.ph)