Game Three: 39-point ni Williams binarag ng Hotshots, Tropang Giga yumuko, 106-98!

Game Three: 39-point ni Williams binarag ng Hotshots, Tropang Giga yumuko, 106-98!

Game Three: 39-point ni Williams binarag ng Hotshots, Tropang Giga yumuko, 106-98!
PBA

Game Three: 39-point ni Williams binarag ng Hotshots, Tropang Giga yumuko, 106-98!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ipinamalas ng Magnolia ang tibay ng puso at nakihamok para sa kontensiyon sa PBA Philippine Cup Finals sa pagtuldok ng 106-98 panalo sa Game 3 Linggo sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nabugbog ng todo sa unang dalawang laban, malalim na humukay ang Hotshots at kenalembang ang kailangang enerhiya, intensidad at hangad na pigilan ang Tropang Giga buhat sa pagpanday ng 3-0 lead sa best-of-seven series.

May tsansa ang kampo ni Coach Chito Victolero na maitabla ang serye sa Game 4 sa Miyerkules.

Binalekwa ng Hotshots ang lamesa sa Tropag Giga sa Game 3 sa pagsansala sa loob para abatan ang umuulang tres ng TNT at iwagwag ang 39 point pasabog ni Mikey Williams.

Kinaldag ng TNT super rookie ang 10-of-18 mula sa arko- pinakamagarbo na sa sinumang player sa PBA Finals.

Pero kahit umariba si Williams, pinaramdam ng Hotshots ang malaking kaibahan ng kanilang moog sa depensa.

"Tingin ko we played defense better than we did in the first two games. Importante yung mindset. Sabi namin remember what brought us here - depensa. At talagang dumepensa kami ng husto," sambit ni Victolero.

 

Iskor:
Magnolia 106 - Lee 21, Sangalang 20, Barroca 16, Abueva 14, Jalalon 11, Dela Rosa 9, Corpuz 7, Reavis 5, Ahanmisi 3, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Dionisio 0.

TNT 98 - M. Williams 39, Pogoy 14, Erram 10, Castro 9, Heruela 8, Marcelo 7, K. Williams 4, Reyes 3, Khobuntin 2, Rosario 0, Exciminiano 0, Montalbo 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.

Quarters: 26-20, 52-46, 82-77, 106-98.

(Photo Courtesy by:Pba.ph)