Cavite, GCQ na sa Mayo 16, Laguna MECQ pa.

Cavite, GCQ na sa Mayo 16, Laguna MECQ pa.

Cavite, GCQ na sa Mayo 16, Laguna MECQ pa.

Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla, Martes na ang lalawigan ng Cavite ay isasailalim na sa general community quarantine GCC,  matapos ang  May 15.
 
Ang kalatas ni Remulla ay isiniwalat bagupaman inihayag ng  national government ang tungkol sa pagtanggal o pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa May 15 sa National Capital Region at ibang lugar. 
 
"Nilahad na kahapon ng Malacañang na ang lalawigan ng Cavite ay isalalagay na sa GCQ umpisa ng May 16," ani Remulla sa kanyang Facebook post.
 
Aypn kay Remulla, di lahat ng stalls ay bukas  sa malls sa ilalim ng GCQ. Aniya rin ang Wifi services ay hindi available para sa mga suking customers at visiting malls.
 
Pupuwede ang mga restaurant na magbukas pero tanging ang  take-out services lamang,  ani Remulla.
 
Dinagdag pa ni Remulla na ang construction industry ay dahan dahang ipagpapatuloy ang kanilang operasyon. 
 
Gayundin, sinabi ni Remulla na tuloy pa rin ang  liquor ban, bagamat litanya rin niya na pinag-uusapan na ng mga mayor ang mga polisiya patungkol sa drinking at pagbebenta ng alak. 
 
Aniya,  nauna nang iminungkahi nito ang lisensya ay ihahatag para payagang magbenta ng mga pantomang nakalalasing. 
 
Obligado pa rin ang pagsusuot ng face mask, ayon sa gobernador. ( Robert Louis Pangilinan )