NCAA STEPLADDER SEMIS, MAGSISIMULA NA SA ABS-CBN S+A AT iWANT

Latest News

Latest Reviews

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

UAAP Season 82 Women's Basketball : FEU vs Adamson stepladder

Basketball  Far Eastern University wanted it more and came away with the 79-73 win over Adamson to...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

NCAA STEPLADDER SEMIS, MAGSISIMULA NA SA ABS-CBN S+A AT iWANT

 

San Beda, naka-abang sa makakalaban...

  • Ni Louis Pangilinan 

Tatlong eskwelahan ang magbabakbakan para harapin ang defending champion na San Beda University (SBU) Red Lions sa NCAA Season 95 stepladder semifinals na magsisimula ngayong Martes (Nobyembre 5) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City. 

Maghaharap sa isang “do-or-die match” ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Golden Stags, na nakuha ang ika-apat na puwesto, at ang nasa ikatlong puwestong na Colegio De San Juan De Letran (CSJL) Knights, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at iWant ng 4 pm. 

Kung sino man ang manalo sa dalawang koponan ang kakalaban sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates, na pumangalawa sa standings, para sa karapatang makaharap ang SBU sa Finals.

Naging stepladder ang semifinals ng torneo pagkatapos maipanalo ng Red Lions ang lahat ng laro sa double round eliminations sa pinagsamang lakas ng nangungunang kandidato sa pagka-MVP na si Calvin Oftana at ang kanilang point guard na si Evan Nelle.

Matarik ang aakyatin ng tatlong koponan para maabot ang Finals kontra SBU Red Lions at hindi na makapaghintay na magsimula sina Jerrick Balanza ng Letran, Allyn Bulanadi ng SSC-R, at ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng LPU.

Para kay Balanza at Bulanadi, parehas pa nilang naiisip ang duwelo ng kanilang mga eskwelahan noong Season 93, kung saan nasulot ng Stags ang ika-apat na puwesto sa Final Four salamat sa dating big man nilang si Michael Calisaan.

Samantala, ayon naman sa kambal na Marcelino ng LPU, parehas nilang pinaghahandaan ang SSC-R at Letran at kaya nilang harapin kung sino man sa dalawang eskwelahan ang mananaig sa Martes (Nobyembre 5).

Huwag palampasin ang NCAA Season 95 stepladder semis ngayong Martes (Nobyembre 5) LIVE sa S+A at iWant mula sa FilOil Flying V Centre sa San Juan ng 4 pm sa bakbakang CSJL Knights at SSC-R Stags para sa pagkakataong makaharap ang LPU Pirates para lumusot sa Finals.

Para sa balita sa NCAA, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.