Kasong ekstorsyon ipinataw ng NBI sa isang tao

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Kasong ekstorsyon ipinataw ng NBI sa isang tao

Nagsumite ang National Bureau of Investigation-Anti Fraud Division (NBI-AFD) ng kasong Robbery/Extortion laban sa isang indibiduwal dahil sa pag-extort ng  ransom money mula sa complainant na ang mister ay nawawala. 
 
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang Subject na si JERRY LAZARO y DELA CRUZ na naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng  NBI-AFD sa E.Rodriguez Avenue, Quezon City. 
 
Noong September 4, 2020, humingi ng tulong ang complainant  sa NBI para hanapin ang kanyang asawa na nawawala mula pa noong June 2020. 
 
Pinagtuunan ng operatiba ng NBI ang lokasyon ng mister ng complainant pero wala pa ring positibong resulta sa kinaroroonan.  At nitong nakaraang  October 6, 2020, inimpormahan ng complainant ang NBI-AFD na nakatanggap siya ng text messages buhat sa hindi nagpakilalang tao na nagsasabing ang kanyang mister ay nasa kanilang kustodiya at humihingi ng ransom na nagkakahalaga ng Php 300,000.00. 
 
Nagbigay din ang sinasabing captor sa complainant ng espisipikong instruksyon na 'wag ipaalam sa mga awtoridad  ang hinggil sa  transakasyon nila at kung hindi sumunod ay papatayin ang asawa niya at maging ang kanyang mga anak. 
 
Sa kabila nang paggigiit ng   proof of life ng kanyang asawa ang sinasabing captor ay hindi pinagbigyan ang hiling bagkus pinarinig lang ang boses  na umuungol sa pamamagitan ng  phone call. Patuloy na ginagambala ng anonymous texter ang complainant na may pagbabanta kapag hindi sumunod sa halagang hinihingi hanggang  October 9, 2020 ay may mangyayari umanong masama sa kanyang mister.
 
Sa naturang impormasyon, inilatag ang  rescue operation. Gayunman, habang inihahanda ang mga dokumento para sa operasyon, nakatanggap ang complainant ng text message mula sa alleged captor na hindi inaasahang nag- backout sa kanilang deal. Sa pagbabago ng mga  situwasyon, sa halip napagpasyahan ng mga operatiba na magsagawa ng isang entrapment operation. 
 
Nung October 9, 2020, nakatanggap ang complainant ng text message mula sa alleged captor na minamanduhan siyang dalhin ang ransom money sa kahabaan ng  E. Rodriguez Avenue, Cubao, Quezon City.
 
Istratehikong pomosisyon ang mga operatiba sa hindi kalayuan o makikita at maabot ang drop-off area. Isang lalaki ang dumating sakay ng pulang  motorsiklo at kinuha ang markadong  ransom money. Agad na nagsikilos ang mga operatiba at inaresto ang lalaki na kinilalang bilang Subject na si JERRY LAZARO y DELA CRUZ.
 
Ang Subject ay dinala sa NBI-AFD para sa standard booking procedures. Walang indikasyon na ang  Subject at maaring kasabwat na nasa kustodiya ang mister ng complainant. Kasalukuyang sinusuri ang laman ng mobile phone ng Subject.  
 
Sa record check sa Subject ang nasiwalat na marami itong  derogatory records at  Warrants of Arrest for Qualified Theft at Qualified Theft thru Falsification of Public Documents. 
 
Kasong Robbery/Extortion ang hinatag kontra  Subject JERRY LAZARO y DELA CRUZ sa Office of City Prosecutor, sa Quezon City.
 
FB Post : Chief Palmer Mallari