Pinatikas pa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang pagdaos ng Speed Kicking Online Tournament kabilang na ang mga kanugnog bansa sa Southeast Asia, gayundin ang iba pang lugar sa mundo na unang nagsimula sa Pilipinas ngayong 2020.
Puntirya ng samahan na patuloy na maitaguyod at ang sports kahit pa may kinakaharap na krisis sanhi ng kinakaharap na pandemya.
Gaganapin ng asosasyon ang ikalawang bersyon ng Speed Kicking tournament na ASEAN Taekwondo Federation Speed Kicking Tournament katapat na ang ilang mga bansa na parte ng ASEAN countries kabilang ang Myanmar, Laos, Singapore, Indonesia at Vietnam, kung saan host country pa din ang Pilipinas na inaasahang manggagaling ang bulto ng mga kalahok mula sa iba’t ibang clubs, schools at universities sa bansa simula ng Sabado, Oktubre 3.
Inihayag ni PTA grassroots director at ASEAN taekwondo Federation (ATF) secretary-general Stephen Fernandez na nais nilang ipagpatuloy ang naging matagumpay na kampanya ng unang torneo na sinimulan sa bansa noong Hulyo, gayundin ang mapagkalooban yan ng tyansa ang mga Kyorugi jins na magsagawa rin ng sarili nilang torneo na binabase sa Poomsae events gamit ang virtual platform.
“We can look forward on other aspects of training besides using online preparations. In this way we can also promote online instructional and virtual competition programs of the association and spearheading the program for the youth,” ani Fernandez, Huwebes ng umaga sa lingguhang TOPS: Usapang Sports sa online virtual session na hatid ng Games and Amusement Board (GAB), PSC at PAGCOR.
“It is something very new, something that was brought about by the Pandemic. It is an innovation in the sport, but it is really something for all the kids from the children, to cadets and juniors to enjoy,” ani pa Fernandez, na tumatayo ring Deputy Secretary-General ng PTA.
Bukod sa isasagawang ASEAN tournament, sunod ring ilulunsad ang Global Speed Kicking Championship sa Oktubre 23-25 na lalahukan ng mga taekwondo jin sa 30-40 bansa sa buong mundo, kung saan nagpahayag na ng kanilang pagsang-ayong lunahok ang mga team mula sa Europa at North America.(LP/TOPS)