Libreng face shields, masks para sa traysikel, pedicab driver sa Pasay .Tinatayang nakinabang ang may 3,000 tricycle at pedicab drayber sa Lungsod ng Pasay nang makatanggap ng food packs, face shields at face masks mula sa lokal na pamahalaan.
Nitong nakaraang Sabado, ang Sangguniang Kabataan ng Pasay buhat sa Barangay 76 ay inihatag ang may 3,000 food packs, 3,000 face shields, at 15,000 face masks ng lokal ng pamahalaan bilang bahagi ng kanilang inisyatiba para maiwasan ang local transmission ng coronavirus disease (Covid-19) sa barangay level.
"Our contribution aims to help those in the transport sector cope up with the pandemic as well as prevent the spread of Covid-19," sambit ni Nohwie John Corpuz, Barangay 76 SK chairman.
Inatasan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Pasay's Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office na agad ipamahagi ang mga donasyong item sa tricycle at pedicab drivers na namamamasada sa lungsod.
Gayundin, sinabi ni Rubiano na ang motorcycle ride-hailing company na Angkas ay nakipag-partner din sa Pasay local government para mag-alok ng libreng sakay at motorcycle barrier shields para sa mga bagong bayaning healthcare workers at iba pang medical front-liners ng Lungsod.(LP/PNA)