The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...
Latest News
Tricycle sa Munti pwedeng bumiyahe kahit MECQ
Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang pagbiyahe ng mga traysikel sa panahon ng panibagong pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 4 - 18.
Ang desisyon ay alinsunod sa Executive Order 15 s.2020 na pirmado ni Mayor Jaime Fresnedi noong Mayo.
Sa ilalim ng kautusan, ang Tricycle Operators and Drivers Associations ay iimplementa ang odd-even scheme kung saan lahat ng miyembro na may Tricycle Regulatory Unit (TRU) numbers na ang ending ay odd digit ay papayagang mag-operate tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes habang ang TRU numbers na may ending ng even digit ay papayagan tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Kailangan lang din ng mga traysikel driver ay maglagay ng transparent plastic sheet na naghihiwalay sa passenger cab at driver para maiwasan ang physical contact. Kailangan din i-disinfect ng dalawang beses isang araw at may alcohol-based sanitizers.
Isang pasahero lang din ang papayagang sumakay kada traysikel. (LP/PNA)
Pormal nang nanumpa si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson sa kanyang tungkulin bilang UNP Federated Alumni Association President, nitong November 17, 2022, sa Commission On Higher Education (CHED) Central Office, Diliman, Quezon City. Sa katunayan, itong milestone ng ating 'busy governor' ay isang ebidensya na siya'y isinilang na may puso't malasakit para sa ating mga kababayan sa probinsya.