Inihayag ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, Miyerkoles, na ang mga pagbabago sa ahensiya ay inaprubahan sa idinaos na executive meeting, mga pagbalasang ramdam ng board ay kinakailangan matapos ang pagkakadiskubre sa isa nilang staff sa pag-'hokus pokus' ng payroll ng ahensiya sa nakalipas na linggo.
“It was a collective decision of the board as part of a plan to re-stabilize the organization.” ayon sa sports chief.
Bahagi ng balasahan ay ang pagkakatalaga kay Atty. Guillermo Iroy, Jr. bilang acting Executive Director, vice Merlita Ibay na itutuloy ang kanyang posisyon bilang Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services, ang kanyang orihinal na appointment bago ang pagiging acting ED role. Si Queenie Evangelista, ang head ng Bureau of Coordinating Secretariat and Support Services bilang Acting Deputy Executive Director.
Hindi nag-iisa sa pagharap sa mga pagsubok, inamin ni Ramirez ang mga salto sa ahensiya at nangakong masisiguro ang nga kinakailangang imbestigasyon, pagtatama sa kamalian at sanksyon ay gagawin.
“As the highest accountable official of the agency, I take responsibility to effect changes, to make sure that there are no gaps in the organization. I feel sad, frustrated, and hurt but we all have to have composure,” ani Ramirez, na umaasa ring lahat ng stakeholders at partners “are at peace with these decisions and continue to support us through this.”
Humingi ng tulong ang PSC sa
National Bureau of Investigation, Department of Justice at Office of the Solicitor General para imbestigahan ang naturang kaso.
Ang iba pang pagbabago sa liderato ay nakatakdang talakayin sa mga susunod na linggo. (LP/PSC)