Tupada sinampolan ng GAB at QCPD-DSOU

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Tupada sinampolan ng GAB at QCPD-DSOU

    Seryoso ang kampanya ng  Games and Amusements Board (GAB) at QCPD-DSOU para tutukan ang mga iligal na gawain.
    Kamakalawa lamang,  sinampolan ng magkasanib na puwersa ng ahensiya ang apat katao matapos hulihin dahil sa partisipasyon sa iligal na sabong o tupada sa Purok 3, Area 5, Laura Street, Quezon City, mga bandang ala-una ng hapon, Hulyo 22, 2020.
     
    Ang operasyon ay bunsod ng inisyatibo ng GAB-Anti-illegal Gambling Unit (GAB-AIGU) sa pangunguna ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra, Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid, bilang pagsuporta ng naturang ahensya sa direktiba ng pamahalaang nasyunal sa pamumuno ni PDU30 na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal kabilang na anh tupada sa kasagsagan ng pandemya na kung saan mahigpit na ipinapatupad ang physical distancing dahil ito ang sanhi ng madalas na pagkahawa. 
     
    Maliban dito, karamihan sa mga Pinoy ay apektado ang pinansyal na estado at maraming nawalan ng trabaho. Malaking porsyento ng pondo ng gobyerno ay napupunta sa pagbibigay ng ayuda at kahandaang medikal ng bansa ngunit ito ay binabalewala ng karamihan kung kaya patuloy ang pagkalat ng impeksyon. 
     
    Maraming industriya ang naapektuhan at maraming negosyo ang nagsara dahil sa mahigpit na quarantine bunsod ng patuloy na pananalasa ng COVID19.
     
    Para sa GAB na s'yang ahensya ng pamahalaan na nagri-regulate sa pagsasagawa ng mga international derbies sa bansa gayundin bilang licensing agency sa mga Opisyal ng Sabong gaya ng mananari, sentenciador at manggagamot, ang mga ilegal na sabong o tupada ay may malaking negatibong epekto sa pagbubukas muli ng mga legal na sabong, na pinagkakakitaan ng maraming Pilipino.
     
     Ito rin diumano ay isang babala sa mga lisensyadong mananari, manggagamot at sentenciador na sila ay desididong tanggalan ng lisensya ng GAB dahil sa partisipasyon sa iligal na sabong, kagaya ng mga nauna nang aksyon ng GAB.
     
    Ang impormasyon hinggil sa iligal na sabong sa Laura Street, Quezon City ay nag -ugat sa pinaigting na monitoring activities ng GAB-AIGU na tinukoy ang mga pinagdadausan ng tupada sa kamaynilaan hanggang sa mga kalapit-probinsya. 
     
    Ang GAB ay agad na nakipag-ugnayan sa QCPD-DSOU sa pamumuno ni PMAJ Manuel Dela Cruz para mapagtagumpayang masakote ang nasabing iligal na sabong. 
     
    Ang mga indibidwal na nadakip at mga ebidensyang nakumpiska ay kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD-DSOU. Ang mga nadakip ay sasailalim sa booking procedure para sa paghahanda ng isasampang kaso.(LP/GAB)