Bumalik na buhat sa kanyang 'sang buwang bakasyon para alagaan ang misis niyang me sakit, agad na lumiham si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez, Lunes, sa Office of the Solicitor General (OSG) para humingi ng tulong sa ikinaso ng ahensiyq kontra sa kanilang staff na natuklasang ninakawan ang pamahalaan sa pamamagitan ng payroll scam.
"We need all the help we can get to get to the bottom of this and make every effort that nothing of this sort ever happens again," paliwanag ni Ramirez, kung saan isinagawa din ang board meeting para pagpulungan ang mga isyu para sa angkop na desisyon ng ahensiya.Sa liham sa OSG, humihingi ng tulong si Ramirez "assistance in instituting proper proceedings relative to the complaint filed against Paul Michael Ignacio" kasama na ang pagsamsam ng lahat ng real o personal property para maibalik sa gobyerno.
Nung nakalipas na linggo lang, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) agents si Ignacio para tugunan ang hiling ni PSC Executive Director Merlita Ibay para asistehan matapos madiskubre ang payroll padding na ginawa ni Ignacio. Ito rin ang daan ng ahesya na mahablot ang stock ng buong operasyon, ilang areas na tumanggap ng ISO certification nito lang taong 2020 .
"The board is 100% with the Chairman on this," ani Commissioner Ramon Fernandez na itinalagang Officer in Charge nang madiskubre ang anomalya.
Si Atty. Guillermo Iroy, Jr., Deputy Executive Director for Support ang itinalagang manguna sa legal team para sa pagtutok ng kaso.