Pagpapaliban sa karera ng MMTCI aprub sa GAB  

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Pagpapaliban sa karera ng MMTCI aprub sa GAB  

    Aprubado kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra,  Huwebes, ang naging desisyon ng Metro Manila Turf Club, Inc. na ipagpaliban ang nakatakda sanang karera sa Hulyo 19 bilang pagtalima sa itinatadhana ng batas hingil sa prangkisa at ipinapatupad na health protocol.
     
    Ani Mitra ang aksiyon ng pamunuan ng MMTCI ay patunay lamang na isinaalang-alang nila ang kalusugan ng mga indibidwal na magiging bahagi ng programa, gayundin ang pagkilala sa panuntunan na nakasaad sa batas para sa pagpapatupad ng betting sa Off-Track Betting (OTB) station.
     
    Ang nakatakda sanang 12-race program ang hudyat sa pagbabalik ng horseracing sa bansa matapos ang mahigit tatlong buwang pagsasara dulot ng COVID-19 pandemic.
     
    Hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang MMTCI bago mapaso ang lisensya nito sa Hulyo 19 – ang araw na naitakda ang programa na nauna na ring inaprubahan ng Philippine Racing Commission (Philracom) matapos mabigyan ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force depende sa status ng community quarantine sa lugar na pagdarausan nito.
     
    Ngunit, ang kabiguan na mabigyan ng bagong prangkisa ang naglagay sa balag ng alanganin sa MMTCI management dahil ang kawalan ng prangkisa ay direktang nagbabawal na magkaroon ng pustahan sa publiko, maging on-line o on-track, gayundin sa OTB station partikular sa  Presidential Decree No. 1602. 
     
     
    “The industry has thousands of stakeholders who are adversely affected by the pandemic, and the government, too, is losing a lot in the form of unearned income from horseracing.  However, in the absence of a legislative franchise in favor of MMTCI, we are deeply concerned about the criminal liability of the betting public,” pahayag ni Mitra.
     
    “This was a painful decision on our part and we understand that it may not sit well with the betting public and our stakeholders especially our good friends at MMTCI, the jockeys, trainers and other personnel.  We are very thankful for MMTC’s support on this, even as we hope and pray their franchise approval will timely move along,” aniya.
     
    Sa sulat ni MMTCI racing manager Jose Rodolfo Prado Jr., na may petsang Hulyo 15, 2020, ipinaalam ng grupo  sa Philracom, sa pamumuno ni Chairman Andrew Sanchez ang desisyon na kanselahin ang nakatakdang karera bilang pagtalima sa GAB na siyang regulatory body ng pamahalaan sa pro sports. 
     
    Iginiit naman ni Mitra na pursigido ang GAB na mapaapbruhan sa IATF ang pagbubukas ng Off Track Betting Station (OTBS) sa bansa batay sa pagsunod sa itinatakdang health protocol.(LP)