Psc news PSC, POC iaapela ang training ng 4 Tokyo Olympic-bound athlete

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Psc news PSC, POC iaapela ang training ng 4 Tokyo Olympic-bound athlete

Nagkasundo ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee na eendorso para sa approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) para maituloy ang training ng apat na kuwalipikadong national athletes sa Tokyo Olympic at bilang ng mga naniningalang atleta.

Nagsagawa ng inisyatiba sa usang virtual board ang PSC Board kasama sina POC President Representative Bambol Tolentino, POC Secretary-General Atty. Ed Gastanes, Martes para pag-usapan ang planong ipagpatuloy ang pag eensayo ng ating Olympic-bound athletes gayundin 'yung mga sasabak sa Olympic qualifiers.

Parehong sumang-ayon ang PSC at POC sa naihatag na kasalukuyang situwasyon, kung saan ito na ang pinakamainam na unang makapagpokus sa ating kampanya sa Olympic.

“We initiated the meeting with POC with the good of our national athletes in mind. Lagi yan priority as Chairman Butch Ramirez always say” sambit ni PSC Officer in charge, Commissioner Ramon Fernandez.

Tinukoy niya na nais ng board na walang maiwang balakid para masiguro na ang ating mga Olympic hopeful ay mapanatili ang kanilang momentum.

“COVID-19 notwithstanding, we must never lose sight of our goal to give our best for our first Olympic gold,” ani pa Fernandez.

Kagyat namang sinabi ng PSC na bagamat ang huling desisyon ay nanatili pa rin sa IATF.

"We can only recommend, but they have the final say," paalala ng sports agency OIC.

Natukoy na ng PSC board ang anim na pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Manila City at Philsports Complex sa Pasig City na puwedeng gamitin para sa training.

Ang Fencing Hall, Multi-purpose Center, Strength and Conditioning Building, Dormitory Training Hall sa Philsports at Taekwondo at Boxing gyms sa RMSC.

Ibinalita ni Marc Velasco, ang PSC National Training Director na ang ahensiya ay magsasagawa ng, “massive disinfection of facilities on both complexes to ensure the safety of our athletes should they restart training.”

Ang parehong complex ng PSC ay may tatlong “we heal as one center” sa pagitan nila. Sa kasalukuyan ang Multi-purpose Arena sa Pasig City at ang Ninoy Aquino Coliseum sa RMSC ay may suspected at mild-positive patients, kung saan ang Rizal Coliseum ay dumaan sa disinfection, inspection at repairs.

Idinagdag din ni Fernandez na sila ay bukas sa pribadong sektor at local government units na may mababa hanggang no-cases ng COVID-19 infection sa “adopting” ng iba pang sports training para sa kanilang respektibong Olympic qualifying competitions.

Sunod na makipagdiyalogo ang PSC kay Tokyo Olympics Chef de Mission Nonong Araneta para pag usapan ang POC’s projection sa ating Olympic bid.

“The POC will know who has and where we have a high percentage of qualifying so we will consult them and move from there,” paliwanag ni Fernandez. (Louis Pangilinan/PSC)