Pag-alis ng ECQ sa May 15 nakadepende sa lugar ng dami ng Covid-19 cases

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Pag-alis ng ECQ sa May 15 nakadepende sa lugar ng dami ng Covid-19 cases

    Pag-alis ng ECQ sa May 15 nakadepende sa lugar ng dami ng Covid-19 cases
     
    Deneklara ang unang  Enhanced Community Quarantine (ECQ)  Marso 17 sakop ang buong isla ng Luzon.  Dalawang beses pa itong pinalawig sa ilang lugar, kabilang na ang National Capital Region (NCR)  hanggang Mayo  15.
     
    Hindi naman lahat ng alkalde ay suportado ang pagpalawig, bagamat gusto ng iba na ang kanilang siyudad ay ibaba sa general community quarantine (GCQ) para mapagaan ang ilang restriksyon na ipinatupad sa mataas na populasyon na hindi makapasok sa kanilang trabaho. 
     
    Inihalimbawa na lang, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang ECQ sa San Juan at Valenzuela ay inaasahang ibababa sa  GCQ dahil sa pagbaba ng kaso dito ng virus.
     
    Ang miyembro ng Metro Manila Council, tampok ang 17 mayors at local executives sa NCR ay  nagsagawa ng  online meeting noong Sabado para talakayin ang resolusyon kung ano ang gagawin pag napaso na ang ECQ sa May 15, ani Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, na sinusuportahan ang extension.
     
    “All mayors of Metro Manila must have one stand regarding the ECQ extension when we hold our online meeting via Zoom, Saturday,” ani Olivarez, ang chairman ng MMC.  
     
    Sinusuportahan ni Olivarez ang ECQ extension dahil sa nanatiling namamaygapag ang pag taas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, na may higit 10,000 kaso na.
     
    Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kasong nahawaan ang Quezon City sa Metro Manila cities, na may 1,453 cases, bagamat ito rin ang may pinakamalaking populasyon. 
     
    Sinundan ng Manila  749 cases, kasunod ang Parañaque 499, at Makati ,471.
     
    Iniulat naman ng Health officials, na ang San Juan at Valenzuela ay ilan sa  Metro Manila cities na nagpakita ng pagbagal ng COVID-19 cases.
     
    Pagbabatayan ng Inter Agency Task Force sa  pag-alis ng ECQ ay nakadepende sa lebel ng pagkalat ng  coronavirus sa lugar,  estado ng economiya, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.  
     
    “San Juan’s doubling rate [of infections] has gone down; Valenzuela is also another example. That means there is a possibility that they could go under GCQ. Quezon is also okay, it’s not too [high],” sabi ni Año. ( Robert Louis Pangilinan )