Las Pinas - Barber shops, film, TV shooting pwede nang magbalik-operasyon sa ilalim ng GCQ areas umpisa Mayo 1
Magbabalik operasyon ang mga barber shop, salon, gayundin ang pag-shoot ng mga pelikula at television productions sa mga lugar na isinailalim ng pamahalaan sa general community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Simula Mayo 1, ang mga lugar na may mababa at nasa kainaman lang ang posibleng panganib ng outbreak sa bansa ay nasa ilalim ng GCQ, habang ang mahigpit na confinement measures ay mananatili sa mga lokalidad sa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang Mayo 15.
Ang mga sektor na papayagang gumalaw sa panahon ng GCQ ay ang barber shops, salons, spas at iba pang personal care industries na nasa mabusising “strict health standards,” construction, Build, Build, Build activities, gayundin ng motion picture, video at television program production, sound recording at music publishing activities, sa pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes.
Ang mga mall at commercial centers kasama na ang hardware stores, damit at aksesorya, non-leisure stores at frontline offices ng pamahalaan ay papayagan na ring ituloy ang kanilang negosyo sa ilalim ng GCQ areas.
Sa lugar na nasa ilalim ng ECQ, ang mga susunod na mga sektor na bibigyan ng permisong magbalik operasyon ay ang
dental at EENT clinics (with strict health standards) delivery services, whether or not e-commerce platform, in-house or outsourced, para sa produktong tulad ng damit at aksesorya at office supplies repair at installation of machinery at equipment repair ng computers at personal at pambahay na pangangailangan,
laundry shops (kasama na ang self-service).
Mga sektor at aktibidad na manatiling pinagbabawal sa panahon ng ECQ at GCQ: mass gatherings gyms/fitness studios at sports facilities
libraries, archives, museums at iba pang cultural activities, travel agency, tour operator, reservation service at iba pang kaparehong aktibidad,
gambling at betting activities, at activities ng membership organizations. (Elishah Pangilinan)