Buhay ang espiritu ng Filipino Bayanihan sa gitna ng coronavirus outbreak kung saan ang SM Foundation ay nagdeliber ng medical supplies sa The Outstanding Women sa Nation’s Service Foundation (TOWNS) Foundation at University of the Philippines Medical Foundation (UPMF) noong Miyerkoles, Abril 1.
Kabilang sa medical supplies ay mga disinfecting alcohol, personal protective equipment (PPEs) at surgical gowns na para sa medical front liners na lumalaban sa pagsawata ng COVID-19 pandemic sa tulong ng TOWNS at UPMF.
Kaagapay din ang mga naval officers mula sa Philippine Navy sa pamamahagi partikular dun sa mga liblib na lugar na mapagkalooban ng kinakailangang medical supplies. Ang mga paketeng ito ay matutulungan ang inisyal na mga tukoy na komunidad sa mga siyudad ng Dumaguete at Zamboanga. Ang donasyon ay bahagi ng P170 million allocation na naunang ipinangakong tulong SM sa 50 ospital bilang serbisyo sa mga mamayang Pinoy, medical institutions at pamahalaan para maabatan ang pandemic.