Magsisilbing punong abala ang Pilipinas para sa gaganaping continental event sa susunod na buwan.
Inihatag ng Badminton Asia sa bansa ang karapatang mag-host para sa third-ever Badminton Asia Team Championships, umpisa Pebrero 11-16, 2020 sa Rizal Memorial Coliseum.
Para kay Badminton Asia Chief Operating Officer Chit Boon Saw, naniniwala siyang ang Pilipinas ay may kapasidad ng isa pang magarbong kaganapan sa naturang sport kung kaya't ito ang saktong panahon na i-host ang continental meet.
"I think the Philippines is one of the fastest developing nations in badminton. And it is good to bring an event like this in a developing badminton country," ani Saw kung saan huling nag-host ang bansa sa Asian Championships (individual) nung 2001.
"The game can be promoted to the masses better with an event like this."
Bukod sa pagiging qualifier para sa Thomas (Men's) at Uber (Women's) Cups na nakatakda sa Denmark sa darating na Mayo, ang torneo ay isa rin sa huling oportunidad para sa mga shuttler na nakatipon ng puntos upang magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.
Inaasahan ang higit na 290 shuttlers buhat sa kabuuang kontinente ang darating kung saan nakaabang ang defending men's champion Indonesia at women's champion Japan.
15 men's teams at 14 women's squads ang magpaoakitang gilas sa biennial meet. Bawat division ay hahatiin sa apat na grupo na ang top two teams sa kada grupo ay uusad sa knockout stage.
Ang team format ay best-of-five encounter na may three singles matches at two doubles matches.
Nakikita ni Saw na tirneo tournament ay tsansa na para sa Philippine national team na makaukit ng bagong karanasan sa larangan.
"I hope the Philippine team takes this as an opportunity to learn and grow in the team event. As you know, there are not a lot of team tournaments in the world so this will be a good opportunity to learn on your home court," aniya kung saan ang Pilipinas ay 1-2 sa men's side at 0-3 sa women's division noong 2018 edition meet.
"I think it will be a successful event because of the venue and the people working in the event. The venue is really suitable. I believe that it will be a good hosting." (Louis Pangilinan)