'Airforce Community Pantry' pinangunahan ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    U.P beat Far Eastern University

    UNIVERSITY of the Philippines downed holder Far Eastern University, 2-0, in a top-of-the-table...

    Quizon, Maribao nanguna sa Cavite para talunin ang Toledo sa PCAP chess tilt

    ni Marlon BernardinoManila---Nagsanib puwersa sina Grandmaster elect at International Master...

    Can Lakers survive to G5?

    “It’s one game at a time at this point, and you lose, you go home,” James said. “You come out with the...

    'Airforce Community Pantry' pinangunahan ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial

    MULA sa matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics, balik sa kanyang tungkulin sa Philippine Air Force si boxing bronze medalist Eumir Marcial at bahagi ng kanyang adhikain ay ang makatulong sa kapwa at mga kasamahan.

    Sa pakikipagtulungan ng Chooks-to-Go, pinangunahan ni Marcial ang ‘Air Force Community Pantry’ sa Bagumbayan, Quezon City kung saan namahagi ang grupo ng packed meals at Chooks dressed chicken sa mga residente na apektado ng lockdown dulot ng pandemic.

    "Sobrang saya ko po ngayon dahil nakapag-share po ako sa ating mga kababayan," pahayag ni Marcial. "Kumbaga hindi lang po during na lumalaban ako na na-inspire ko sila pero sa ganitong bagay, naparamdam ko yung pasasalamat ko sa kanila. Nagpapasalamat ako kay Boss Ronald [Mascariñas] at sa Chooks-to-Go dahil sinuportahan nila ako."

    Kasama rin nagsagawa ng hiwalay na community pantry ang katropa na si Hidilyn Diaz.

    Ikinalugod ni Marcial ang kaganapan, higit at nagbabalik gunita sa kanya ang mga panahon na kabilang ang kanyang pamilya noon sa mga nakatatangap ng ayuda sa Zamboanga City.

    "Dati po, ganito rin kami," pahayag ng pambato ng Lunzaran. "Pumipila kami sa mga bigasan na nagbibigay."

    "Ngayon, kami naman yung tumutulong sa ating kababayan. Walang imposible kung tayo ay magsipag at manalangin," he continued.

    Hinikayat ni Marcial ang mga Filipino na maging matatag sa paglaban sa mga suliranin at asahan na may mga katulad niya at ng Chooks-to-Go na handang magbigay ng tulong at suporta.

    "Sa panahon po ngayon, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Nandito po yung Philippine Air Force para mag-alalay sa atin at nandito rin yung Chooks-to-Go na tumutulong din sa mahihirap," aniya. "Tayong mga Pilipino, lalaban po tayo."