Angeles City chess champion Tiv F. Omangay sasabak sa 19th Association of Southeast Asian Nations Age Group Chess Championship

What are your #siblinggoals?

Angeles City chess champion Tiv F. Omangay sasabak sa 19th Association of Southeast Asian Nations Age Group Chess Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

HANDA na si Angeles City chess champion Tiv F. Omangay sa pagkatawan sa bansa sa nalalapit na 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City mula Hunyo 18 hanggang 28, 2018 na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Si Omangay na sariwa pa sa paghahari sa Elementary Division ng City Meet ng DepED ay masisilayan sa Under 14 boys category na sinuportahan nina Angeles City mayor Ed Pamintuan, Vice mayor Bryan Nepomuceno, kap. Alexander "Guy" De Guzman at ng Angeles City Sports Office.

Nagpasalamat si Angeles City chess champion Tiv F. Omangay sa City Council ng Angeles City, Pampanga na nagbigay ng tulong pinansiyal sa kanyang kampanya sa nalalapit na 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City mula Hunyo 18 hanggang 28, 2018 na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

 

"We hope Tiv (Omangay) will perform well in the upcoming 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship hosted by Davao City this month," sabi ni Jose Fernando "Fer" Camaya, top player ng Angeles City, Pampanga.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Rep. Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. nakamit ng Pilipinas ang over-all title na matagal ng pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal sa nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia ng taunang ASEAN Age Group Chess Championship. (Marlon Bernardino)