Cabuyao Kiddies woodpushers kampeon sa Governor Ramil Hernandez chessfest

Dutdutan 2018

Cabuyao Kiddies woodpushers kampeon sa Governor Ramil Hernandez chessfest

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

NAGPAKITANG gilas ang Cabuyao Kiddies Team A na binubuo nina Webster Lagera, Sweden Paez, CJ Teoxon at Julius Taguba para magkampeon sa katatapos na Governor Ramil Hernandez Cup Inter-Town Chess Team Championships na ginanap nitong Abril 21-22, 2018 sa LLC Hall, Calamba Elementary School, Calamba City, Laguna.

Nasa gabay ni Cabuyao City mayor Rommel A. Gecolea, ang Cabuyao Kiddies Team A ay nakalikom ng 9.0 match points at 15.5 game points para maiuwi ang titulo sa kiddies division na ipinatupad ang 40 minutes, 5 seconds delay mode time control format sa five round Swiss-system affair.

Umeksena din ang Sta. Rosa Kiddies Team na kinabibilangan nina Kaye Regidor, Griffin Lumayag , Kramnica Basbas at Angel Diocares na nakakolekta ng 7.0 match points at 12.0 games points para tumapos ng ika-2 puwesto.

Nasa ika-3 puwesto naman ang San Pedro Kiddies Team na nirendahan nina Joshua Manire, Yana Emilou De Vera, Jenly Marino at Lyca Rica Santilan Abanilla na may nakamadang 7.0 match points at 11.5 games points.

Ang mga nagwagi sa Individual gold medallist ay sina Kaye Regidor ng Sta. Rosa Kiddies Team na may 4.5 puntos para sa Board 1, Griffin Lumayag ng Sta. Rosa Kiddies Team at Yana Emilou De Vera ng San Pedro Kiddies Team na kapwa nakapagtala ng perfect 5.0 puntos sa Board 2, CJ Teoxon ng Cabuyao Kiddies Team A na may perfect 5.0 puntos sa Board 3, Julius Taguba ng Cabuyao Kiddies Team A at Ryan Castillo ng Cabuyao Kiddies Team B na may tig perfect 5.0 puntos sa Board 4.

Mismong si Philippine Executive Chess Association (PECA) Press Relation Officer Dr. Alfredo "Fred" Paez na adviser din ng Laguna Chess Association (LCA) ang nanguna sa awarding ceremony kasama sina LCA President Catalino A. Mendiogarin, LCA Vice-President Michael Concio, LCA District I coordinator NM Ricardo G. Merano at LCA adviser Ildefonso Mantupar.

Ang iba pang koponan na nakapasok sa top 11 ay ang 4th place Calamba Kiddies Team, 5th place Los Baños Knights 1, 6th place Siniloan Kiddies Team, 7th place San Pablo Kiddies Team, 8th place Cabuyao Kiddies Team B, 9th place San Antonio ES Los Baños Kids, 10th place Los Baños Knights 2 at 11th place Halang ES Calamba Kids.- Marlon Bernardino-