PINOY NELSON VILLANUEVA, Malaysia chess champ

PINOY NELSON VILLANUEVA, Malaysia chess champ

PINOY NELSON VILLANUEVA, Malaysia chess champ

PINOY NELSON VILLANUEVA, Malaysia chess champ

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

PINOY NELSON VILLANUEVA KAMPEON SA MALAYSIA RAPID OPEN CHESS TOURNEY (Tagalog)

Makikita sa larawang ito si Fide Master (FM) Nelson Villanueva (right side) na natangap niya ang kanyang award sa organizing committee matapos magkampeon sa 8th Tan Sri Lee Loy Seng Perak Grand Prix Chess Championship 2017 nitong Agosto 13 na ginanap sa Hotel Syuen, Ipoh, Malaysia.

Final Standings:(Seven Round Swiss System)

6.0 points---NM Nelson Villanueva (Philippines)

5.5 points---FM Alekhine Nouri (Philippines)

5.0 points---NM Stewart Manaog (Philippines), Looi Xin Hao (Malaysia), Ahmad Jamal Husni b Jamaluddin (Malaysia), Jax Tham (Malaysia),Yip Yong (Malaysia), Ooi Zhi Yang (Malaysia), 

Jackie Chan Seng (Malaysia)

Malaysia---Itinanghal na kampeon si Fide Master (FM) Nelson Villanueva sa katatapos na 8th Tan Sri Lee Loy Seng Perak Grand Prix Chess Championship 2017 nitong Agosto 13 na ginanap sa Hotel Syuen, Ipoh, Malaysia.

Nakakolekta ang La Carlota City, Negros Occidental native Villanueva ng 6.0 puntos mula sa limang panalo at dalawang tabla para makopo ang top honors sa 20 minute time control rapid open seven round Swiss System event.

Nakumpleto naman ang dominasyon ng mga Filipino woodpushers sa katauhan nina Fide Master (FM) Alekhine Nouri at National Master (NM) Stewart Manaog matapos kunin ang ika-2 hanggang ika-3 puwesto na may tig  5.5 puntos at 5.0 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nakapagmarka din ng 5.0 puntos ay sina Looi Xin Hao (4th place), Ahmad Jamal Husni b Jamaluddin (5th place), Jax Tham (6th place),Yip Yong (7th place), Ooi Zhi Yang (8th place) at

Jackie Chan Seng (9th place) ng Malaysia.

Si Villanueva, former mainstay ng star-studded Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong Chess Team ay naipanalo niya muna ang unang limang asignatura kontra kina Tan Yong Hau, Yip Yong, Low Jun Jian ng Malaysia, FM Alekhine Nouri at NM Stewart Manaog ng Pilipinas ayon sa pagkakasunod. Sa sumunod na tagpo ay naitabla niya naman ang laro sa huling dalawang rounds kina Looi Xin Hao at Ahmad Jamal Husni b Jamaluddin ng Malaysia tungo sa kampeonato.

Ating magugunita si Villanueva din ang hari sa 6th AMK CC All Women's & Family Chess Challenge 2017 - Family Men (Open) chess championship nitong Hulyo 30, 2017 na ginanap sa Ang Mo Kio Community Centre sa Singapore.Nakaipon si Villanueva ng limang panalo at dalawang tabla sa kabuuang 6.0 puntos sa pitong laro.