Gilas dinurog ng Serbia; Huling hirit vs Angola!

Gilas dinurog ng Serbia; Huling hirit vs Angola!

Hindi hahayaan ng Gilas Pilipinas na wala silang maipapanalo kahit na isa sa nagpapatuloy ng FIBA World Cup sa Foshan, China.

Kapwa durog ang Gilas, una sa Italy, at sa ikalawang laro ay kinawawa naman sila ng walang pusong Serbia, 127-67.

Sasabak naman ang Gilas ngayong 3:30 ng hapon kontra sa Angola , kung saan hangad na makaisa man lang ng panalo ang Pinas kahit laglag na sa kontensiyon ng torneo. Ang dalawang kampo ay parehong nasa Group D.

Pagkatapos ng laban ng dalawa ay magtutungo sa classification phase ng torneo para sa bottom 16 teams.

Sa laban kontra Serbia wala sa 'wisyo at hindi nakitaan ng gigil ang naturalised Filipino import na si Andray Blatche na pumupog lang ng 5 puntos sa 2-of-10 shooting buhat sa halos kabuuang oras ng aksiyon.

"Of course I'm disappointed," ani Gilas coach Yeng Guiao nang kuwestyunin hinggil sa perpormance ni Blatche.

Hindi naman matatawaran ang gilas ni rookie guard CJ Perez na siyang pinakadepinido at scorer kabalikat si Paul Lee na nag-ambag din sa puntusan. (Louis Pangilinan)