Gilas positibo kontra Italy

Gilas positibo kontra Italy

Mataas ang morale ng Gilas Pilipinas sa ginawa nilang ensayo sa Foshan International Sports and Cultural Center isang araw bago ang laro nila sa FIBA World Cup.

Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao, na kinabisado na nila ang court at humanga sila sa nasabing pulido ng nasabing court.

Dagdag pa ni Guiao na naging maganda ang ensayo ng national team.

HIndi naman ikinaila ng ilang manlalaro ng Gilas na may tsansa silang talunin ang Italy at Angola na kanilang makakaharap sa kanilang Group D.

Sinabi ni Gilas guard CJ Perez na nakasabayan nilang kumain ang nasabing tropa at kanilang pinagmasdan ang nasabing mga koponan.

Makakaharap ng Gilas ang Italy sa ngayon Sabado, 7:30 ng gabi habang ang Serbia ay makakasagupa sa Lunes September 2 sa kaparehong oras.

Dakong 3:30 pm naman ng September 4 makakaharap ng Gilas ang Angola. (Louis Pangilinan)