Keith Thurman: Trabaho 'ko 'to, at mahal ko!

Keith Thurman: Trabaho 'ko 'to, at mahal ko!

Ni Louis Pangilinan
Atat si Keith Thurman sa kanyang unang pagsabak sa ibabaw ng ring sa halos dalawang taong pamamahinga matapos ang kanyang pagbabalik sa kaagahan ng taon.

May ebidensiya ng ring rust sa kanyang 12-round win over Josesito Lopez. Pero ang mahalaga sa unbeaten welterweight ay ang abilidad na lumaban habang nasa rurok pa ng kanyang career matapos ang dinanas na injuries sa panahon ng kanyang kalakasan.

“I’m living out my dream right now,” ani Thurman (29-0, 22KOs) na pinaggiitang ang makalaban na muli. “This is what I love.”

Ang 30-year old Florida native ay hindi gusto ang kanyang kasalukuyang job assignment kung saan naghahanda para sa welterweight title defense versus legendary former eight-division titlist Manny Pacquiao (61-7-2, 38KOs).

Ang dalawa ay sasagupa sa July 20 sa MGM Grand sa Las Vegas, sa bisa ng Fox Sports Pay-Per-View event na batay sa mga papel ay isang best card ng 2019.

“This is my entertainment. This is my job, and I’m doing what I love,” ani Thurman, na sa taong 2019 ay hindi pa nakalaban mula March 2017 title unification win kontra sa dating unbeaten Danny Garcia. “If you don’t love what you do then you need to find a new job.” (Louis Pangilinan)