Pumanaw sa Covid -19, pandemic lagpas na sa 280K
Opisyal na binuksan ng Noveleta local government ang kanilang unang public hospital sa gitna ng hagupit ng coronavirus pandemic noong May 2.
Pinangunahan ni Mayor Dino Reyes Chua kasama sina Ms. April Rose Pascua, RN. MAN, Development Management Officer IV Department of Health (DoH) Center for Health Development, Municipal Health Officer Dr. Hilda Bucu at iba pang local officials ang inagurasyon ng P15 million halaga ng Noveleta MedCare Hospital bilang COVID 19 Care Facility.
Ang bayan ay walang naitalang kaso ng COVID 19 sa nakalipas ng tatlong linggo ayon kay Municipal Health Officer Dr. Hilda Bucu.
Kakayanin ng hospital ang 15 pasyente sa emergency area na may 25 medical staffs mula sa doctor, nurses, nursing aides, utilities, security guards at ambulance drivers at safety officer lahar nasa shifting operation.
Itinayo ang dalawang palapag na gusali sa 1,000 square meters property sa Barangay San Jose 1 na donasyon ni Mayor Chua noong April 3, 2017 katapat ng Municipal Hall at Public Market ng makasaysayang Ilang Ilang river.
Ang eskalasyon ng kaso ay naabatan dahil sa intensibong programa ng lokal na pamahalaan dito sa ilalim ng liderato ni local chief executive Dino Chua at Local Disaster and Risk Reduction and Management Unit head Jeg Alix.
Mahigit na sa 280,000 katao ang namatay ngayon dulot ng matinding Covid-19 pandemic, karamihang naging biktima ay mula sa Europa at Estados Unidos, ayon sa tally ng AFP buhat sa official sources, 1635 GMT noong Linggo. Sa kabuuan, 280,011 ang bilang ng namatay na naitala sa buong mundo kung saan 156,095 ay mula sa Europe, ang pinakaapektadong kontinente.
Ang United States ay ang bansang may pinakamaraming namang naitalang namatay, 78,862. Sinundan ng Britain (31,855), Italy (30,560), Spain (26,621) at France (26,380). (Robert Louis Pangilinan)