Habang patuloy ang mabilis na pagtaas ng mga nahahawaang Pinoy ng mapaminsalang Covid-19 pandemic, hindi rin naiuulat ng buo ng pamahalaan ng Pinas ang mga namamatay na bilanggo sa mga detention facilities, ayon sa ulat ng Human Rights Watch.
Ayon sa naturang sektor, kailangan umano ng awtoridad na maimbestigahan ang mga namamatay na preso at gawin ang mabilis na hakbang para maprotektahan at mabawasan ang dami ng person deprive of liberty (PDLs) para maipatupad ang social distancing at iba pang nararapat na pag-iwas sa nasabing pandemya.
Sa panayam na magkakahiwalay ng Human Right Watch sa limang bilanggo kamakailan mula Marso 25, 2020, di bababa sa pitong PDLs na ang namatay sa Quezon City Jail at isa sa Cavite Provincial Jail.
'Di pa malalaman ng Human Rights Watch kung ang pagkamatay ay may kaugnayan sa Covid-19 dahil sa kawalan ng testing facilities at kabiguan ng gobyerno na maiulat ang mga ito.
Ayon sa report ng HRW.ORG , Naniniwala ang isang criminal justice expert at non-governmental monitoring group na marami pa ang namamatay sa mga bilangguan ng bansa kaysa sa mga isinisiwalat nito sa publiko.
“Unreported deaths of inmates show the urgent need for the Duterte government to be transparent about the spread of Covid-19 inside the country’s overcrowded prisons,” sambit ni Phil Robertson, deputy Asia director at Human Rights Watch. “The government should get serious about the terrible situation in its prisons and jails and accurately report on prison deaths and illness.”
Iniulat ng pamahalaan na dalawang inmate lang ang yumao sa Covid-19 – isa sa New Bilibid prison sa Muntinlupa City at isa pa sa Quezon City Jail, pareho sa NCR.
Parehong inihayag sa publiko ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology na halos 250 inmates sa iba't ibang bilangguan ang nagpositibo sa coronavirus.
Maraming inmates sa Kyusi Jail ang nagsabi sa Human Rights Watch sa pamamagitan ng telepono na posibleng marami ang Covid-19 cases sa pasilidad ang dumaraming nahawaan na.
“We have at least one death a week since the outbreak, which is higher than usual,” sabi ng inmate na may tungkulin bilang “medical aide” sa loob ng overcrowded jail. Pinatotohanan naman ito ng ibang medical aide at iba pang inmates.
Isang inmate sa Cavite Provincial Jail ang nagbunyag sa Human Rights Watch na isang Nigerian, 40-anyos ang namatay sa unang linggo ng buwan ng Abril. Natagpuang patay ang preso na sa huli'y napag-alamang nagpositibo sa Covid-19.
Kinumpirma ng medical staff member sa warden’s office ang pagpanaw ngunit wala ng mga detalye maliban sa sabi ng warden na pinag-alam na ito sa governor at Department of the Interior and Local Government (DILG). ( Robert Louis Pangilinan )