UP winasiwas agad ang UE, 5-0

UP winasiwas agad ang UE, 5-0

PSC nangako ng suporta sa 2020 Paragames

UP winasiwas agad ang UE, 5-0

Naitono ng UAAP Season 81 runner-up University of the Philippines ang kanilang kampanya para sa korona nang kanilang dominahin ang University of the East sa Season 82 opener, 5-0, Miyerkoles ng umaga sa Centro Atletico Badminton Center sa Kyusi.

Pinasiklab ni Captain JM Bernardo ang pagratrat sa two-setter kontra Edward Adriano sa 21-11, 21-6, bago umiskor si rookie Kim Ga-an ng come-from-behind win laban kay Angelo David sa decider, 19-21, 21-16, 21-15.

Tapos kinabig ng The Fighting Maroons ang tie makalipas ang tambalan nina Michael Clemente at Vinci Manuel ay binakbak sina Christian Garcia at Khristian Reyes, 21-13, 21-10, sa first doubles match.

Ang bagitong sina Jason Vanzuela at Harvey Tungul, at Season 81 Rookie of the Year Kyle Legazpi, ang humatak ng huling dalawang matches para makumpleto ang sweep para sa UP.

"Nag-set kami ng goal this season na gustong bumawi lahat. Gusto naming makuha yung championship," wika ni Bernardo.

"Natutuwa ako sa performance ng team. Nagawa namin yung pinaghandaan namin. Yung tinraining namin lumabas kanina," aniya pa.

Sumabay ang De La Salle University at Ateneo de Manila University sa UP para opening day winners na umukit din ng 5-0 sweeps sa Adamson University at University of Santo Tomas, ayon sa pagkakasun. (Louis Pangilinan)