UP Fighting Maroons nakatakas sa sakmal ng NU Bulldogs!

UP Fighting Maroons nakatakas sa sakmal ng NU Bulldogs!

UP Fighting Maroons nakatakas sa sakmal ng NU Bulldogs!

UP Fighting Maroons nakatakas sa sakmal ng NU Bulldogs!

Muling nakasalba ng panalo ang University of the Philippines nang lapain ang National University, 80-79, Miyerkoles sa UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena.

Bagamat sinayang ng Fighting Maroons ang pagkakahawak sa 14-point second quarter na bentahe, 78-71 sa huling 2:13, at kailanganin pa ang kambal na pagkakataon para tabogin ang panalo .

Tinangkang maibalik ni Dave Ildefonso ang Bulldogs back, sa kanyang tres may 11.6 segundo pa ang nalalabi para ilatag sa one-point affair.

Pinitik ni David Murrell ang kanyang freebies sa huli para mabuksan ang isang tyansa para sa NU, pero kinapos ang isang 15-foot jumper ni John Lloyd Clemente kasunod ng final buzzer.

"We need to learn how to close out games as a team. That’s a process," sabi ni coach Bo Perasol.

Bumatak si Kobe Paras ng 25 points, six rebounds, at 2 assists para ilagak ang 3-1 kartada.

Humamig si Bright Akhuetie ng double-double sa kanyang 19 points at 12 rebounds, habang umuusok sa ilalim si Javi Gomez de Liano sa kanyang 17 points buhat sa 5-of-7 shooting sa arko.

Ito na ang ikaapat na magkasunod na panlulumo para sa was Bulldogs kung saan nanatili sa ilalim, 0-4.

Namuno si Ildefonso sa NU sa kanyang 25 points, limang rebounds, at 2 two assists sa isa bigong pagkabayaning pagsubok.

Si Senegalese center Issa Gaye ay rumihestro ng 13 points, 13 boards, at tapal habang si Shaun Ildefonso ay umiskor ng 13 points at pitong rebounds. (Louis Pangilinan)

Mga iskor:

UP 80 -- Paras 25, Akhuetie 19, Ja. Gomez de Liano 17, Tungcab 6, Manzo 4, Rivero 4, Longa 3, Murrell 2, Ju. Gomez de Liano 0, Gozum 0, Jaboneta 0, Prado 0, Spencer 0.

NU 79 -- D. Ildefonso 25, Gaye 13, S. Ildefonso 13, Gallego 9, Joson 8, Minerva 7, Clemente 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Malonzo 0, Oczon 0, Tibayan 0, Yu 0.

Quarterscores: 18-23, 44-36, 67-59, 80-79.