Louis Column

Tabloid

  • PBA
Ginapas ng Barangay Ginebra ang kanilang pagka-agresibo para tibagin ang 113-88 panalo sa Game Two at pagrolyo ng 132-105 victory para igapos ang 2-1  lead kontra NorthPort sa PBA Governors Cup best-of-five semifinal showdown Miyerkoles sa  Smart Araneta Coliseum. Swabe sa puntusan ang Batang Pier ngunit higit na asintado ang Gin Kings tungo sa pagdikta ng laro matapos ang kanilang   90-124 kabiguan sa pagsisimula ng serye. 
Read more ...

  • PBA
 
Nagsilbing Mr. Ironmen sina Christian Standhardinger, Michael Qualls at Sean Anthony para sa NorthPort, na pawang lumaro ng ekstra oras at itumba ng Batang Pier ang NLEX Road Warriors sa matigtig na triple-overtime do-or-die actions para makausad sa PBA semifinals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. 
 
Si Standhardinger, Qualls at  Anthony ay pawang may bultong iskor para dalhin ang NorthPort sa kanilang balikat matapos maisahan ang Road Warriors, 126-123, na nagmistulang wala nang puknat na bakbakan. 
Read more ...