Lakers kinando ang top spot sa West

Lakers kinando ang top spot sa West

Lakers kinando ang top spot sa West

Opisyal na kinando ng Lakers sa unang pagkakataon ang No. 1 seed Western Conference buhat pa noong 2010, kung saan pokus na sila para naman sa playoffs at preparasyon para kanilang first-round matchup.

Ang Memphis Grizzlies ay nasa ikawalong posisyon pero tanging dalawa na lang ang natitirang asignatura kontra Portland Trail Blazers at San Antonio Spurs, 2.5 games na angat sa New Orleans Pelicans, 3 games na ungos sa Sacramento Kings at 3.5 games sa itaas ng Phoenix Suns. Sa play-in game (na ang tiebreakers ay madedetermina kung sino sa Spurs o Blazers ang puwedeng umentra kung ang season ay magtatapos ngayon) na tila sigurado na.

 “I will say that all these teams that are competing for that eight spot, I don’t believe we’re going to get a typical eight seed in that matchup. The West is loaded, there’s a lot of good teams in there, and we’re going to get a team with some serious firepower,” banggit ni Vogel.

Ang pinakapasyonableng pick para ihatag ang problema ng Lakers ay ang Blazers.

Batay sa di nagpakilalang league insiders ay maaring maging tinik sa daan ng Lakers ay ang Portland, gayundin ni TNT analyst Charles Barkley. Sa palagay ni Portland’s star guard, Damian Lillard, matatalo ng kanilang tropa ang L.A. kung kanilang mahuhugot at starting shooting guard Danny Green na inamin na ang Lakers ay nasasalaming ang Portland ang pinakamalaking banta sa sinumang prospek na oposisyon. (LP)