PBA

PBA

PBA

Markado ang pagbabalik ni Myles Powell sa Bay Area para ibalik sa wisyo ang tropa. 
 
Rumagasa si Powell ng 50 points para sa pirmis na pulso sa scoring diretso sa ultimong pagbuga ng Dragons at mailista ang 120-87 resbak na panalo kontra  Rain or Shine Biyernes sa  PBA Commissioner's Cup sa Ynares Center sa Antipolo.
Read more ...
PBA

ANTIPOLO - Umeskapo ang NorthPort mula sa bitag na inilatag ng Terrafirma at dunggulin ang 91-85 panalo para pagtibayin ang playoffs bid sa PBA Commissioner's Cup Sabado dito sa Ynares Center.

Pinasan ni Arvin Tolentino ang career-high 31, kasama na ang 11 sa fourth-quarter para isalba ang Batang Pier buhat sa arangkada ng tusong Dyip crew na nagbantang wakasan ang siyam na laban para sa kanilang interes.

Read more ...
PBA

Kumpletong binarag ng Northport ang NLEX sa isang tunggalian ng mga skidding team noong Miyerkules, inaresto ang kanilang pagdulas sa bisa ng importanteng 107-94 win sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sinuri at tinubos ni Robert Bolick ang kanyang personal na paglamlam sa pamamagitan ng 33-point pasabog, at buhayin muli ang Batang Pier sa unang panalo sa kanilang huling apat na outings at pang-apat sa siyam na laro sa pangkalahatan.

Read more ...
PBA

Namentina ng Barangay Ginebra na manatili sa mga nangungunang koponan sa torneo nang hilahin pa nila ang pag-arangkada sa tatlong asignatura at gibain sa isang makalaglag pusong 97-96 pag-agaw ng panalo kontra  San Miguel Beer Linggo sa  Smart Araneta Coliseum.
Read more ...